Saturday came. Halos di makatulog si Devon sa kakaisip kay Sam. Pag-gising nya, naligo sya agad-agad. Meron pa naman syang 3 oras bago ang date nila ni Sam, pero gusto nyang maging magandang maganda kaya talagang gumising sya ng maaga. Di talaga sya makapili ng isusuot. Di naman kasi sya tulad ng ibang babae na mahilig mag-skirt eh. Palagi syang naka jeans at graphic shirt. Wala syang kahit isang skirt o girly na blouse. "KYRAAA!!" tawag nya sa kapatid. "Ano ate? May sunog ba!?" sabi ng kapatid nyang halatang natataranta. "Walang sunog. May problema lang ako," sabi ni Devon na di malaman kung matatawa sya dahil sa itsura ng kapatid nya na halatang bagong gising o maiiyak dahil di nya alam kung anong susuotin. "Naku naman, akala ko kung ano. Sandali, maghihilamos lang at magto-toothbrush muna ako," sabi ni Kyra na medyo inis dahil nasa gitna sya ng magandang panaginip. Naghintay si Devon ng mga 10 minuto tapos bumalik na si Kyra. "Ate, ano ba yung problema mo?" sabi ni Kyra na naupo sa kama ni Devon. "May date kasi kami ni Sam ngayon...." sabi ni Devon. "WHAT!? May date kayo ni Sam?" singit ni Kyra. "Oo. Eh wala akong masuot. Kaya hihingi sana ako ng advice," sabi ni Devon. Si Kyra kasi ay mahilig sa fashion. Palagi nyang tinitipid ang baon nyang pera na para sa pamasahe at pagkain para lang makabili ng damit. At nag-part time job din sya na baby sitter at ang kinikita nyang kalahati ay binibigay nya sa ina nila at ang kalahati any ibinibili nya ng damit nya. "Yun lang ba. Hmm.... kailangan mong magmukhang maganda pero hindi masyadong trying hard......" sabi ni Kyra na tila nag-iisip. "Gamitin mo yung dark skinny jeans mo tapos pahihiramin kita ng purple and black blouse ko. Tapos.... ballet flats na black. Pareho naman tayo ng shoe size kaya pahihiramin kita. Wait, wala ka bang putok sa paa?" sabi ni Kyra na nagbibiro. Binato tuloy sya ni Devon ng unan. "Sige ka, di kita pahihiramin...." sabi ni Kyra na ngingiti-ngiti. Ngayon lang kasi nya nakita na nagwo-worry ang ate nya tungkol sa damit. "Sorry na. Dali, para makapag-bihis na ako!" sabi ni Devon. Kinuha na ni Kyra ang mga damit at iba pang gamit na pampaganda para kay Devon. Pinagbihis muna nya ang ate Devon nya. Tapos pinaupo nya si Devon sa upuan. "Ime-make over kita. At bago ka umangal, di kita masyadong lalagyan ng make-up. Light lang. Para lumitaw ang ganda mo," sabi ni Kyra. At sinimulan nyang ayusan si Devon.
Kinulot nya ng konti ang buhok ni Devon. Tapos nilagyan nya ito ng light blush-on. Di na kailangan ni Devon ng cocealer o foundation dahil makinis naman ang balat nya. At dahil hindi masyadong mahilig sa make-up si devon, di na sya nilagyan ng mascara at eye shadow ni Kyra. Nilagyan lang sya ng lipstick at gloss. Tapos nilagyan din sya ni Kyra ng perfume. "Yan. Ready ka na ate. You have 10 minutes pa," sabi ni Kyra. "Thank you Kyra," sabi ni Devon at niyakap nya ng mahigpit ang kapatid. "Hey, you owe me one," sabi ni Kyra.
Bumaba si Devon para uminom ng tubig. Pero narinig nya ang boses ni James at ng dalawang kaibigan nito. Nag-isip sya kung papasok sya sa kusina o hindi. Pero naglakas loob sya na pumasok........
nxt n plz..
返信削除