このブログを検索

2011年3月20日日曜日

Chapter 8

Ilang linggo ang nakalipas at naging mas malapit pa sina Sam at Devon. Palagi silang nag-uusap at nagtatawanan. Ang ibang mga kaklase nila ay pinag-uusapan na sila na raw. Pero hindi pa sila. May pagka-torpe rin kasi itong si Sam samantalang si Devon naman ay isang dalagang Pilipina at ayaw magtapat. Kasi mas gusto nya na kay Sam manggaling. Si James naman ay nagiging rebelde uli. Palagi syang hindi dumadalo sa mga classes nya at madalas din syang naglalasing. Kahit nga sina Bret at Ivan ay di sya mapigilan.

Kaya isang araw, kina-usap ng dalawa si Devon. "Hey Devon," sabi nila. "Hi Bret, hi Ivan. Kumusta na?" sabi ni Devon. Mga isang linggo din hindi nag-usap ang tatlo. Kahit parte na ng grupo ni Devon ang dalwa dahil ipinakilala na nya ang mga ito sa mga kaibigan nya ay minsan lang silang nagkaka-usap. "We're fine. But James isn't. Devon, we badly need your help," sabi ni Ivan. "Ano namang maiitutulong ko sa inyo? At malaki na yun si sir James, kaya na nya ang sarili nya," sabi ni Devon na tila naiinis. Pero sa totoo ay naga-alala rin sya. "Please Devon. We really need you're help. Please talk to him," sabi naman ni Bret. "Bakit di na lang kayo ang kumausap sa kanya?" tanong ni Devon. "We already did. But he wouldn't listen to us. So please talk to him," sabi ni Ivan while showing Devon his pleading eyes. At dahil naawa si Devon sa dalawa and nag-aalala na rin sya kay James kaya pumayag na sya.

Pagka-uwi ni Devon, pinuntahan nya agad si James sa kwarto nito. At nagulat sya sa nakita. Si James, lasing na lasing. "James!!!" sigaw ni Devon. Buti na lang wala si Kyra dahil nasa bahay ito ng kaibigan dahil may sleepover samantalang ang ina niya ay nagpunta ng probinsya kaya sila lang ni James ang nasa bahay. "Urffg, grvvorn," ungol ni James. Ihiniga ni Devon si James sa kama at naghanda ito ng towel na pamunas. Inalis muna nya ang polo ni James at pinunasan ang katawan at mukha nito. Tapos pinalitan nya ito ng t-shirt. Hindi na nya hinubad ang pantalon ni James dahil nahihiya sya. Alam nya na ilang araw na ring hindi kumakain si James. Kaya naghanda sya ng pagkain at dinala ito sa kwarto ni James. Nakita nya na hindi nito kayang kumain mag-isa sa sobrang kalasingan. "Ano bang nangyari sa'yo James?" bulong ni Devon. Pinaupo nya ito at sinubuan. Kumain naman ito ng konti. Binigyan nya rin ito ng gamot para mawala ang hang-over nito. Umalis muna sya para mag-hugas at maglinis ng konti. Tapos sinilip nya ulit si James. Tiningnan nya mabuti ang mukha ng lalaki at inalala ang dating James. Papaalis na sya ng biglang hinatak ni James ang braso nya. "Kahit lasing na ay malakas pa rin tong lalaking to," isip ni Devon. "James, pahinga ka na," sabi ni Devon sa kanya. "Please stay with me. Even just for tonight. Please. My head hurts and what if something bad happen to me?" sabi ni James. "Kasalanan mo yan. Ikaw ang naglasing. Di naman kita sinabihan na maglasing ka?" sigaw ni Devon. "Please......." sabi ni James. Naawa na rin si Devon. Kinuha nya ang upuan ni James. Ilalapag na lang sana nya ang ulo nya sa kama at matutulog habang nakaupo. Pero sinabihan sya ni James na "sleep beside me, please." Dahil inaantok na rin sya at ayaw magka-stiff neck, nahiga na rin sya.  Nilagyan nya ng unan ang gitna nila ni James, at natulog na sya.

Nagising si James na masakit ang ulo nya. Ang ganda ng panaginip nya kagabi. Si Devon, tinabihan sya matulog. Tumagilid sya at nagulat sa nakita. Ang natutulog na mukha ni Devon ang kanyang nakita. "So it wasn't a dream after all," isip nya. He took his cellphone from his desk and took a picture of Devon. Because of thee shutter's noise, Devon woke up. "Good morning Devon," sabi ni James. "Good morning," sabi naman ni Devon. "So, does this mean that I'm forgiven?" tanong ni James, na halatang worried sa magiging sagot ni Devon. "Oo na, sige na. Uy, kinunan mo ba ako ng picture?" tanong ni Devon. "Uhmmm, hehe...." nahihiyang sagot ni James. "Uy, i-delete mo yan!" sigaw ni Devon! At nag-simula silang mag-wrestling at mag-kilitian para sa cellphone. Dahil sa haba ng braso at lakas ni James, di nakuha ni Devon ang cellphone. "Sandali, mag-prepare muna ako ng breakfast," sabi ni Devon. Paglabas nya bigla na lang nagtata-talon si James sa kama nya. Sobrang tuwa ni James at bati na sila. "James," tawag sa kanya ni Devon sa labas ng pinto. Biglang napatigil si James. "Uhm, what?" tanong ni James. "Breakfast is ready," sabi ni Devon. At kumain sila ng breakfast ng sabay.

1 件のコメント: