“Anak, tulungan mo muna akong magluto,” ani ni Mrs. Garcia. Sumunod naman ang anak nyang si Devon sa kaniyang utos. Pitong taon gulang pa lamang si Devon. May isa syang kapatid, si Kyra. Si Kyra ay anim na taong gulang. Dalawang taon ang nakakalipas, namatay ang ama nya sa isang aksidente sa kalye. Ang ama nya ay tsuper ng jeep dati. Ang nanay naman nya ay isang katulong sa bahay ng mga Castillo. Magmula nang nawala ang ama niya, ang ina na lang niya ang nagtatagaguyod sa kanila. Nakikitira naman sila sa bahay ng mga Castillo. “Anak, paki-hugasan nga itong mga patatas” ani ng nanay nya, na sinunod nya.
“Uy, Devon, mag-laro naman tayo,” yaya sa kaniya ng nag-iisang anak ng mga Castillo, si James. “ Sir hindi pwede, kailangan ko pang mag-aral,” sabi ni Devon. “Ayan ka nanaman sa kaka-sir mo. I told you to call me James,” sabi ni James na tila naiinis. “Sir, di pwede sabi ni nanay,” sabi ni Devon. “Pag di ka tumigil, I’ll kiss you,” James said. He did not know what the true meaning of kiss is. Para sa kanya, nakikita lang nya yon sa TV or sa parents nya. “Di talaga pwede sir,” ani ni Devon. Kaya, inilapat ni James ang labi nya sa labi ni Devon. Nabigla si Devon sa ginawa ni James. Nagtitigan lang sila. “Sige na nga, James na ang itatawag ko sa’yo. Pero pag napagalitan ako ng nanay, ikaw ang may kasalanan ha,” ani ni Devon. Simula noon, palagi nang magkasama at magkalaro ang dalawa.
Siyam na taon na ngayon si Devon. Pinag-aaral sya ngayon ng mga Castillo. Silang tatlong magkakapatid aypinag-aaral ng libre ng mga Castillo, dahil naaawa ang mga ito sa kanila. “Uy, Devon, laro tayo,” yaya ni James sa kanya. “Di pwede, mag-aaral pa ako,” sambit ni Devon. “Tara na……..” sabi ni James na nagpapa-cute pa kay Devon. At sa huli, napapayag niya ito.
Makalipas ang isang linggo, nabalitaan ng mga magulang ni James ang tungkol sa sakit ng ina ng ama ni James. Kinakailangan nilang puntahan at alagaan ito. “James, we need to go to Australia as soon as possible,” ani ng ina ni James na si Sophia. “I don’t want to go! I want to stay here,” sambit ni James. “But we have to take care of your grandma,” sabi ng ama nya. “No!! I’m staying here, with Auntie Linda and Devon!! They will take good care of me, please,” sabi ni James na tila maluluha na. “No, it will be a bother to them” sabi ng ina nya. Sa huli, nakumbinsi din ng mga magulang ni James na sumama sa kanila. Animoy lantang gulay si James. Palagi syang malungkot nang nalaman nya ang balita.
Araw ng alis nila James lang nalaman ni Devon ang balita dahil ayaw ipasabi ni James sa kanya. Ayaw nyang nakikitang nalulungkot si Devon. "Bakit di mo sinabi, aalis ka pala ngayon! Sinungaling ka!" Sabi ni Devon kay James. "Ayaw ko na sa'yo," sabi ni Devon. Nagkulong sa isang kwarto si Devon. Umiiyak lang sya. Ni hindi na nya hinatid si James. Galit sya ng mga panahong iyon. "Paalam na James......."
0 件のコメント:
コメントを投稿