このブログを検索

2011年3月30日水曜日

Chapter 11

Months passed. Devon tried to move on. And she succeeded. Sam did the same thing. Sometimes they still wonder why did these things happened to them. But they thought that this is a blessing in disguise. Devon loved the feeling of having a brother. She felt secured. She grew up not having a father figure. But since she found out that Sam is her brother, she felt happy and complete. Sam loved the feeling of finally having sisters. They can never forget the faces of their friends when they told them about their relationship........

Natapos na ang school at pumunta na sila sa tambayan. "Anong problema? Bakit parang ang lulungkot nyo?" tanong ni Fretzie. Tinabihan ni Ivan si Kyra. "Guys we have something to tell you," sabi ni Sam. "Ano naman yun? Guys, you're making us nervous," sabi ni Jenny. "We'resiblings," sabi ni Sam na mabilis? "What? Uritin mo," sabi ni Ryan. "Magkapatid kami," sabi ni Kyra. "Alam na namin yun noh, pareho kaya kayo ng apelyido," sabi ni Yong. "Hindi, magkapatid ako, si Kyra at si Sam," sabi ni Devon. "WHAAAT!!??" sabi ng lahat except kay James. "Haha.Very funny," sabi ni Fretzie na may kasamang eye-roll. "They're saying the truth. Sam is Devon and Ky's long lost brother," sabi ni James in a serious voice. Alam nilang seryoso ang apat. Bigla na lang napaiyak si Fretzie. "Bakit Fretz?" alalang tanong ni Devon. "I thought.... I thought he's your Prince Charming. Kumusta naman yung magkapatid pala kayo?" sabi ni Fretzie. "Walang magagawa. Hey, at least may kapatid na akong lalaki. Ang tagal ko na kayang hinhiling to sis," sabi ni Devon. Niyakap sya ni Fretzie. "Don't worry sis, makakahanap ka rin ng Prince Charming. Makakahanap din tayo..." bulong sa kanya ni Fretzie. Napangiti na lang si Devon.

Bumisita si Sam sa bahay ng mga Castillo. Halos araw-araw na nga andun si Sam. Kung si Sam ang masusnod, gusto nya na sa bahay na lang nila tumira sina Devon. Pumayag rin naman ang mama at papa nya. Pero ayaw talaga ng nanay ni Devon. Malaki ang pride ng nanay nito na ang tawag nya ay nanay na rin. "O, kuya andito ka na pala. Tara na," sabi ni Devon. Bumaba sina James at Kyra. Si James bitbit ang mga bag. Pupunta sila ng Batangas. Dahil wala namang pasok ngayong Friday, tatlong araw silang walang pasok. "O, Sam, ingatan mo yang mga anak ko ha. Ihinahabilin ko yang dalawang yan sa inyo ni James," sabi ni Mrs. Reyes. "Wag po kayong mag-alala. Akong pong bahala dito sa dalawang to," sabi ni Sam. "Don't worry too much Nanay. Devon and Kyra are in good hands," sabi ni James smiling. Outing nila itong magkaka-ibigan. Para naman makapag-unwind sila kahit sandali. Ihahatid sila ng nanay ni Patrick. Kapatid ng nanay ni Patrick ang may-ari ng resort na pupuntahan nila.

Si Patrick ay nasa unahan katabi ng nanay nya. Sa second row naman sina Ivan, Kyra at Yong samantalang nasa likod sina Sam, Devon at James. Parehong nasa gitna sina Devon at Kyra. Sina Jenny, Ryan, Bret at Fretzie ay nakasakay sa sasakyan ng nanay ni Jenny. Natatawa na lang si Patrick sa itsura ni Kyra. Pinag-aagawan ang atensyon nya ng dalawang lalaki. Si Devon ay ganun din. Kaya lang, in Devon's case, kuya nya at kaibigan nya, di manliligaw. Matapos ng isang oras sa highway, nagsimula nang antukin ang lahat. Si Yong ay naghihilik na. Si Kyra, natutulog na, ang ulo ay nasa balikat ni Ivan. At si Ivan naman, di makatulog at ngingisi-ngisi. Si Devon naman ay unti-unting nakakatulog. Pabagsak na sana ang ulo ni Devon sa balikat ni James ngunit sinalo ni Sam ang ulo ni Devon at ipinatong sa balikat nya. Walang nagawa si James. Kaibigan lang sya at kuya si Sam. Pero kahit alam nyang kuya ni Devon si Sam di pa rin nya mapigilan ang di magselos. Kaya palihim na lang nya hinawakan ang kamay ni Devon.

Nakarating na rin sila sa resort. Bumungad sa kanila ang white sand beach. At meron din nakahandang pagkain para sa kanila. Andun din pala ang pinsan ni Patrick na si Shey kasama ang mga kaibigan nito na sina Enrique, Trisha, Ann at Lauren. "Lauren?" di makapaniwalang tanong ni Sam. Dalawang taon na rin silang di nagko-communicate. Simula ng pumunta ng America si Lauren.  "Sam? How are you," sabi ni Lauren. Sya pala yung ex-girlfriend ni Sam. "Wow. Ang ganda naman nya. Ang tangkad and ang ganda din ng buhok nya," isip ni Devon. "Lauren, I want you to meet my sisters, Devon and Kyra. And these are my friends Bret, Ivan, Jenny, Ryan, Fretzie, Yong, Patrick and James. Guys this is my friend Lauren," sabi ni Sam. Nagmurmur ng hi and hellos ang barkada. "Hi. Nice to meet you guys. Sam, I didn't know you had any sisters," sabi naman ni Lauren. "Yeah, it's a long story. They're my long lost sisters," sabi ni Sam. "Well, we should catch up. And you can tell me about them. Since I'll be staying here for three days," sabi ni Lauren. "Sure," sabi ni Sam na may ngiti. "And these are my friends. Shey, Enrique, Tricia and Ann," sabi naman ni Lauren. "Hey guys, I'm Pat's cousin, Shey," sabi ni Shey. "Nice to meet you guys," sabi naman ng iba. After ng kanilang introduction, kumain na silang lahat. After magligpit ay nagkayayaan silang mag-swimming. Tig-iisa sila ng kwarto. Malaki kasi ang resort. Nagbihis na ang mga girls. "Devon, ba't di ka pa nakabihis?" tanong ni Fretzie na naka-pink na bikini. Lahat ay si Devon na lang ang hinihintay kaya pumasok na ang girls sa kwarto niya. "Oo nga Devs," sabi naman ni Jenny na naka-yellow na bikini. "Nawawala yung swimsuit ko..." sabi ni Devon. "Yung itim mong tankini ate? Naiwan mo ata ehh. Di ko nakitang inipake mo yun," sabi ni Kyra. "Devon, you can borrow these. I always bring three extras, just in case," sabi ni Lauren na nakangiti at inaabot ang white na bikini. Mukha ngang dyosa si Lauren sa kanyang purple and white bikini. "Nakakahiya naman. Di na lang ako lalangoy," sabi ni Devon. "No, it's okay. Come on, use it na," sabi ni Lauren. "Sure ka?" naga-alangan na tanong ni Devon. "Sure ako," sabi ni Lauren. Sinuot ni Devon ang kulay white na bikini. Bagay na bagay sa kanyang morena na balat ang puting swimsuit. Naghihintay ang mga lalaki sa may dalampasigan. "Whoa," isip ni James nang makita si Devon. "Ang ganda talaga ng lil' sis ko," isip ni Sam. Tingin nya ay kapatid na lang talaga kay Devon. Wala na yung dati nyang feelings para dito. "Lauren looks good as ever," isip uli ni Sam. Nagsimula na naman ang harutan at kulitan nila at nadagdagan pa dahil sa mga bago nilang kaibigan.

 Medyo naiilang na si Devon kina Ann at Tricia. Masyado kasi silang nakadikit kay James. "Nagseselos ba ako?" isip ni Devon. "Hindi. Wala akong karapatan," isip nito. Lumapit sya kay Enrique at kinausap ito. Nalaman nya na marami pala silang pagkakapareha ni Enrique. Taga- Cebu sila pareho. At pareho rin sila ng mga gustong bagay. Sa ilang minuto nilang pag-uusap ay magaan ang loob nya dito. "Devon-von, boyfriend mo ba si James?" tanong ni Enrique. Binigyan sya nito ng palayaw na Devon-von samantalang tinawag nya si Enrique na Quen. "Hindi ah, wala akong boyfriend. Boss ko yan. Namamasukan kasi ako sa bahay nila," sabi ni Devon. Alam nyang di judgemental si Enrique at di sya huhusgahan nito dahil katulong sya. "Ang sama kasi tumingin sa akin. Parang kakainin ba ako," sabi ni Enrique sabay tawa. Natawa na lang din si Devon. "Eh, ikaw. May girlfriend ka na no," sabi ni Devon. "Wala. Wala pa...." sabi ni Enrique. "Guys, let's go to a bar na malapit dito," yaya ni Shey. Halos lahat pumayag except kay Sam, Devon at Kyra. Pinipilit sila ng iba. "Okay fie, I'll come. Pero iwan ang mga kapatid ko. Nangako ako kay Nanay," sabi ni Sam. "Aw, Sam. Don't be such a party pooper," sabi ni Patrick. Dahil sa pamimilit ng ilan, sumama na rin ang tatlo.

Pagdating sa bar, nag-saya ang ilan. Si Patrick ay nagsasayaw kasama ang isang random chick. Ang iba nagsasayaw din. Sina Tricia at Ann naman ay lasing na at nakikipag-flirt kay James. At si Sam, si Sam nakikipaghalikan na kay Lauren na parang wala nang bukas. Nakainom rin ng konti si Devon. Medyo nahihilo na sya kaya lumabas sya para makakuha ng fresh air. Nang may biglang lumapit sa kanyang dalawang lasing na lalaki.

2011年3月29日火曜日

Chapter 10

*Ding-dong*
Narinig ni Devon ang tunog ng doorbell. Walang pasok ngayon. Narinig nya na sinagot ng ina nya ang pinto. Bumaba sya ng hagdan. Ngunit di nya inaasahan ang nakita. May babae na maganda at mukhang mayaman na nakatayo sa harap ng ina nyang umiiyak. "Nay," sabi ni Devon na halatang nag-aalala. "Ikaw ba si Devon?" tanong ng babae. "Opo, ako nga ho. Sino po ba kayo?" tanong ni Devon. Tumigil sa pag-iyak ang kanyang ina. "Anak, sya si... sya si Mrs. Perez," sabi ng ina nya. "Ikaw pala ang ikalawang anak ni Fernando," sabi ng babae. "Ah, hindi po. Ako po ang panganay," sabi ni Devon na nagugulyhan. "Devon, anak, may sasabihin ako sa'yo. May anak sa iba ang tatay mo. Nagkakilala sila nung high school at nagka-anak sila. Pero di naman sila nagpakasal. Gusto ka raw makilala ng kuya mo," sabi ng ina nya. Naluha si Devon. Di nya inaakala na di pala sya ang panganay na anak ng ama. "Gusto ko rin ho syang makilala Mrs. Perez," sabi ni Devon. "Ako rin Eliza, gusto kong makilala ang anak mo. Kamukha ba sya ni Fernando?" tanong ni Mrs. Perez. "Mas hawig sya sa akin Sandra. At Devon, tita Eliza na lang ang itawag mo sa akin," sabi ni Mrs. Perez. Kahit na alam nya na nauna si Mrs. Perez kaysa sa nanay nya, wala syang galit dito. Meron na rin naman sariling pamilya si Mrs. Perez. May dalawa syang anak sa asawa nya ngayon. "Tita Eliza, nay, magbi-bihis muna ako," sabi ni Devon. Pinili nya maigi ang damit nya. Nag-suot sya ng isang flored jeans at kulay blue na spaghetti strap na blouse. Tapos kulay blue na sneakers. Bumaba sya ng hagdan. "Tita, I'm ready na po," sabi ni Devon.

Ang laki at ang ganda ng bahay ng mga Perez. Kasing laki ng sa mga Castillo. Pagpasok pa lang ng bahay, makikita agad ang taste ng may-ari. Di napigilan na mamangha ang mag-ina. "Ang ganda naman po ng bahay nyo,"  sabi ni Devon. "Salamat iha. Architect kasi ang asawa ko," sabi ni Mrs. Perez. Kinakabahan si Devon. "Samuel! Samuel! Andito na ang kapatid mo!" sigaw ni Mrs. Perez. Nakarinig sila ng tunog ng paa at may nakita silang lalaki na dali-daling bumaba. "Samuel, I would like you to meet your younger sister...." Di na natapos ni Mrs. Perez ang sinasabi dahil sumingit si Samuel. "Devon...." sabi nya na halatang nabigla at di makapaniwala. "Sam?" sambit ni Devon. Maluha-luha ang dalawa. "You two know each other?" tanong ni Mrs. Perez. "You...... this..... she..... don't tell me that she's the Devon that you always talk about, Samuel," sabi ni Mrs. Perez na di makapaniwala. "Yeah. That's her," sabi ni Sam. Binigyan sila ng oras ng kanilang mga ina upang mag-usap. Dinala ni Sam si Devon sa garden at naupo sila doon. "I can't believe this," sabi ni Sam. "Ako rin," sabi ni Devon. "Who wold've thought that we're siblings? For Pete's sake, I am, was, in-love with you," sabi ni Sam. "I... I was in-love with you too. But I guess, we're not meant to be, kuya," sabi ni Devon. "Haha. That sounds so weird. I guess, we just have to live with it. Hey, we can be bestfriend-slash-siblings," sabi ni Sam. "Sure, kuya," sabi ni Devon. "Stop calling me kuya. I'm older than you by seven months. Bro na lang then I call you lil' sis," sabi ni Sam. "Sige, sabi mo eh," sabi ni Devon. They found out na they get along so well as siblings. They got along better than when they were friends-slash-secret lovers. "Lil' sis, sabihin na natin sa tropa bukas. So this means I have two beautiful little sisters now. I grew up having two younger brothers eh," sabi ni Sam. "Oo nga pala, kailangan natin sabihin to kay Kyra. Di pa nya alam!" sabi ni Devon. Pumasok sila sa sala at nakita nilang nag-uusap ang kanilang ina. "Mom, can I go visit Devon's house? We want to tell Kyra personally. Gusto ko andun ako," sabi ni Sam. "Okay, come on," sabi ni Mrs. Perez. Pagdating nila ng bahay, nakita nila na nagvi-video games sina Kyra at James. "Oh, ate ang aga naman nyong mag-date," sabi ni Kyra na ngingisi-ngisi. Pumasok na si Mrs. Perez. "Kyra, ito si Tita Eliza, mommy ni Sam," sabi ni Devon. "Good morning po. Ako po si Kyra, kapatid po ni Devon," sabi ni Kyra kay Mrs. Perez. "Ano bang nangyayari? Namamanhikan ka ba Kuya Sam?" sabi ni Kyra, jokingly. "Kyra, may gusto akong sabihin sa'yo. Si Sam, kuya natin sya. Anak sya ni tatay," sabi ni Devon. "Haha. Very funny ate," sabi ni Kyra, while rolling her eyes. "Were not joking," sabi ni Sam. Nang makita ni Kyra na seryoso sila naluha sya. "Bakit Ky? Ayaw mo ba akong maging kuya?" tanong ni Sam. "Hindi naman sa ganun. Pero feeling ko na nasayang ang panahon ko..." sabi ni Kyra. Naguluhan ang lahat. "Nasayang saan?" tanong ni Sam. "Nasayang sa pagiging cupid ko sa inyo ni Devon. Akala ko ikaw na ang prince charming nya. Yun pala, kuya ka pala namin," sabi ni Kyra. Natawa naman ang lahat. "Welcome to the family, Kuya Sam. Ate Devs, hanap ka na lang uli ng prince charming," sabi ni Kyra. Wala namang imik si James. Di pa rin sya makapaniwala.

Umalis na sina Sam at Mrs. Perez makalipas ang dalawang oras. Ang daming napagkwentuhan ng tatlo. Marami rin kasing bagay silang na-miss sa buhay ng isa't isa. Past relationship ( Sam had a girlfriend named Lauren Young before, while the two girls are NBSB), studies (the three are in the Top 3 since kindergarten), childhood (Sam grew up in the states and he came back here when he was 10, samantalang sina Devon ay lumaki sa Cebu), and secrets. Nagkulitan sila buong maghapon. Devon liked the feeling of having a brother. Even though her heart still hurts because she found out about Sam being her brother, she's happy because she sees that Kyra is happy. "I will learn to love him as a brother, someday," isip ni Devon. Pagka-alis nila Sam, tumakbo agad si Devon sa kwarto ni James. "What's wrong?" naga-alalang tanong ni James. "I....I need a friend," sabi ni Devon. Then she broke down and cried. James hugged her. "Everything's going to be alright. I know it's hard to take it all at once. Take baby steps Devon. And I'll be here beside you, supporting you," James said in a soft voice. They stayed in that position for what seemed like forever. "Thank you James. Thank you for being a good friend. Sana..... sana wag ka nang umalis. Sana dito ka lang, forever. Hindi ko na siguro kakayanin kung iiwan mo ako. Masyado na akong naging attached sa'yo emmotionally," sabi ni Devon, sobbing a little. Ayaw nyang ipakita na mahina sya, pero ngayon, kahit ngayon lang, gusto naman nyang maglabas ng lungkot. "Hey, who said anything about me leaving? I will stay here, forever," sabi ni James. Devon smiled at him. "Thank you. Thank you James," bulong ni Devon.

2011年3月26日土曜日

Chapter 9

Kahit na bati na sina James at Devon at mas malapit pa rin sina Sam at Devon. Silang dalawa ang palaging magkasama sa school. Kaya palagi rin silang napagkakamalan na magkasintahan. Pero gusto naman nila ang isa't isa, ayaw nga lang nilang sabihin. "Uyy, ayan na naman ang 'It Couple'," sabi ni Fretzie. "Ang kulit nyo. Di nga kami eh," sabi ni Devon. "Ah sus, kunwari pa. Sabihin nyo na kasi ate. Magkapatid pa naman tayo, di mo sinasabi sa akin," sabi naman ni Kyra. Nasa ilalim sila ng puno ng mangga na nasa likod ng school grounds nila. Kasama din nila ang ibang kaibigan nila na sina Patrick, Yong, Ryan and Jenny. And kasama din nila ang bago sa kanilang grupo na sina James, Ivan and Bret. "Kyra, nood tayo ng sine," yaya ni Yong. "Sure, basta libre mo," sabi ni Kyra sabay tawa. "Sige ba," sabi naman ni Yong. Lahat sila pwera kina Devon at Kyra ay anak-mayaman. Kaya ang pang-sine ay parang barya lang sa kanila. Parehong maganda sina Devon at Kyra kaya parehong pinaga-agawan ng dalawang gwapong lalaki. Si Devon ay lihim na minamahal nina Sam at James. Samantalang si Kyra naman ay hindi lihim na minamahal nina Yong at Ivan. Matagal nang may gusto si Yong kay Kyra. Dahil medyo mahiyain rin ang binata, ayaw nyang magtapat. Natatakot sya na mawala ang friendship nya kay Kyra. Si Ivan naman ay nagustuhan si Kyra nung una pa lang nyang nakita ito, isang sabado sa kusina ng bahay nina James. "Uyyyy....ano ba ito? New couple? Matapos ng sina Sam at Devonzky, sina Kyra at Yong naman?" sabi ni Patrick. "Ako wara garfriend. Pero kung si Jenny na rang ang natirang babae sa warld di ko sya iga-garfriend noh!" sabi ni Ryan. Tawanan naman ang lahat. "Bakit, sino bang may-sabi na gusto kitang maging boyfriend?" sabi ni Jenny. At nagsimula na sa kulitan ang dalawa.

Pagdating naman sa bahay, sina James at Devon ay palaging magkadikit. Palaging sweet at palaging nagkukulitan ang dalawa. "Devon, can you cook sinigang for me?" sabi ni James na halatang naglalambing. "Sige na nga, pag di ako nagluto, kikilitiin mo lang ako eh," sabi ni Devon. Ang nanay naman ni Devon ay kinikilig sa kanilang dalawa. Kakutsaba nga nya ang mama ni James. Kahit magka-iba ang estado sa buhay ng dalawa, matalik silang magkaibigan dahil magkaibigan din ang kanilang mga ama. Kaya nga nung walang mahanap na trabaho ang nanay ni Devon ay sinubukan syang bigyan ng pera ni Mrs. Castillo para makapag-simula sya ng hanap-buhay. Pero tumanggi si Mrs. Reyes. Hindi naman sya nakatapos ng high school kaya wala syang alam sa business. Kaya namasukan na lang sya sa kaibigan. "James! Luto na ang sinigang. Kain ka na," sabi ni Devon. "Join me," sabi ni James. "Ano ka ba? Kahit di kita tinatawag na 'sir', amo pa rin kita," sabi ni Devon. "I don't care," sabi ni James. Hinatak nya si Devon at naghanda sya ng dalawang plato pa. "Nanay, eat with us," sabi ni James. Hindi na rin nakatanggi ang nanay ni Devon.

Linggid sa kaalaman ni Devon, isang bagay ang babago sa buhay nya. At ang bagay na ito ay hindi magandang bagay.

2011年3月20日日曜日

Chapter 8

Ilang linggo ang nakalipas at naging mas malapit pa sina Sam at Devon. Palagi silang nag-uusap at nagtatawanan. Ang ibang mga kaklase nila ay pinag-uusapan na sila na raw. Pero hindi pa sila. May pagka-torpe rin kasi itong si Sam samantalang si Devon naman ay isang dalagang Pilipina at ayaw magtapat. Kasi mas gusto nya na kay Sam manggaling. Si James naman ay nagiging rebelde uli. Palagi syang hindi dumadalo sa mga classes nya at madalas din syang naglalasing. Kahit nga sina Bret at Ivan ay di sya mapigilan.

Kaya isang araw, kina-usap ng dalawa si Devon. "Hey Devon," sabi nila. "Hi Bret, hi Ivan. Kumusta na?" sabi ni Devon. Mga isang linggo din hindi nag-usap ang tatlo. Kahit parte na ng grupo ni Devon ang dalwa dahil ipinakilala na nya ang mga ito sa mga kaibigan nya ay minsan lang silang nagkaka-usap. "We're fine. But James isn't. Devon, we badly need your help," sabi ni Ivan. "Ano namang maiitutulong ko sa inyo? At malaki na yun si sir James, kaya na nya ang sarili nya," sabi ni Devon na tila naiinis. Pero sa totoo ay naga-alala rin sya. "Please Devon. We really need you're help. Please talk to him," sabi naman ni Bret. "Bakit di na lang kayo ang kumausap sa kanya?" tanong ni Devon. "We already did. But he wouldn't listen to us. So please talk to him," sabi ni Ivan while showing Devon his pleading eyes. At dahil naawa si Devon sa dalawa and nag-aalala na rin sya kay James kaya pumayag na sya.

Pagka-uwi ni Devon, pinuntahan nya agad si James sa kwarto nito. At nagulat sya sa nakita. Si James, lasing na lasing. "James!!!" sigaw ni Devon. Buti na lang wala si Kyra dahil nasa bahay ito ng kaibigan dahil may sleepover samantalang ang ina niya ay nagpunta ng probinsya kaya sila lang ni James ang nasa bahay. "Urffg, grvvorn," ungol ni James. Ihiniga ni Devon si James sa kama at naghanda ito ng towel na pamunas. Inalis muna nya ang polo ni James at pinunasan ang katawan at mukha nito. Tapos pinalitan nya ito ng t-shirt. Hindi na nya hinubad ang pantalon ni James dahil nahihiya sya. Alam nya na ilang araw na ring hindi kumakain si James. Kaya naghanda sya ng pagkain at dinala ito sa kwarto ni James. Nakita nya na hindi nito kayang kumain mag-isa sa sobrang kalasingan. "Ano bang nangyari sa'yo James?" bulong ni Devon. Pinaupo nya ito at sinubuan. Kumain naman ito ng konti. Binigyan nya rin ito ng gamot para mawala ang hang-over nito. Umalis muna sya para mag-hugas at maglinis ng konti. Tapos sinilip nya ulit si James. Tiningnan nya mabuti ang mukha ng lalaki at inalala ang dating James. Papaalis na sya ng biglang hinatak ni James ang braso nya. "Kahit lasing na ay malakas pa rin tong lalaking to," isip ni Devon. "James, pahinga ka na," sabi ni Devon sa kanya. "Please stay with me. Even just for tonight. Please. My head hurts and what if something bad happen to me?" sabi ni James. "Kasalanan mo yan. Ikaw ang naglasing. Di naman kita sinabihan na maglasing ka?" sigaw ni Devon. "Please......." sabi ni James. Naawa na rin si Devon. Kinuha nya ang upuan ni James. Ilalapag na lang sana nya ang ulo nya sa kama at matutulog habang nakaupo. Pero sinabihan sya ni James na "sleep beside me, please." Dahil inaantok na rin sya at ayaw magka-stiff neck, nahiga na rin sya.  Nilagyan nya ng unan ang gitna nila ni James, at natulog na sya.

Nagising si James na masakit ang ulo nya. Ang ganda ng panaginip nya kagabi. Si Devon, tinabihan sya matulog. Tumagilid sya at nagulat sa nakita. Ang natutulog na mukha ni Devon ang kanyang nakita. "So it wasn't a dream after all," isip nya. He took his cellphone from his desk and took a picture of Devon. Because of thee shutter's noise, Devon woke up. "Good morning Devon," sabi ni James. "Good morning," sabi naman ni Devon. "So, does this mean that I'm forgiven?" tanong ni James, na halatang worried sa magiging sagot ni Devon. "Oo na, sige na. Uy, kinunan mo ba ako ng picture?" tanong ni Devon. "Uhmmm, hehe...." nahihiyang sagot ni James. "Uy, i-delete mo yan!" sigaw ni Devon! At nag-simula silang mag-wrestling at mag-kilitian para sa cellphone. Dahil sa haba ng braso at lakas ni James, di nakuha ni Devon ang cellphone. "Sandali, mag-prepare muna ako ng breakfast," sabi ni Devon. Paglabas nya bigla na lang nagtata-talon si James sa kama nya. Sobrang tuwa ni James at bati na sila. "James," tawag sa kanya ni Devon sa labas ng pinto. Biglang napatigil si James. "Uhm, what?" tanong ni James. "Breakfast is ready," sabi ni Devon. At kumain sila ng breakfast ng sabay.

2011年3月19日土曜日

Chapter 7

"Woah...." isip ng tatlong lalaki sa loob ng kusina. Nakita nila ang isang napakagandang nilalang na nagngangalang Devon. Kahit kilala na nina Ivan at Bret si Devon, hindi pa sila properly introduced sa isa't isa. "Hey," sabi ni Ivan. "Hi," bati naman ni Devon. "You're Devon right? James' friend diba?" sabi ni Ivan. "I'm not friends with James, but yes, I'm Devon. And you are...?" "I'm Ivan Smith. Nice to finally meet you Devon," sabi ni Ivan, flashing his sweet smile. "And Devon, this is my other friend Bret Jones," pagpapakilala ni Ivan kay Bret. "Hi Devon. Nice to meet you," sabi ni Bret, while also flashing his smile. "Nice to meet you, too," sabi naman ni Devon at nginitiian din ang dalawa, showing her pearly whites. "We transfered sa school mo. So I hope that I'll see you more?" sabi ni Ivan. "Talaga? Well magkikita tayo sa school. I'll introduce you two sa mga friends ko," sabi ni Devon. "Aww.. thanks Devon," sabi ni Bret.

*beep beep*
narinig ni Devon ang busina mula sa sasakyan ni Sam. "Ate Devon!!! Andito na si Kuya Saaam!!!!" mahinang tili ni Kyra ng pumasok ito sa kusina. "Shhhh..... sige alis na ako ha. Bye Ivan, bye Bret. Nice to meet you both. Kyra, alis na ako ha," sabi ni Kyra. "Bye Devon," sabi ni Ivan at Bret ng sabay. "Bye ate, good luck," sabi ni Kyra.

"May date sila ni Sam?" isip ni James. "Whaat the eff?" isip uli nya. Umandar na naman ang pagiging seloso nya. Lumabas sya hanggang gate at tinitigan ng masama si Sam. Pero hindi ito napansin ng huli dahil masaya silang nagkwekwentuhan ni Devon. Umalis na ang dalawa habang si James ay nakatitig pa rin sa lugar na pinuntahan ng sasakyan.

"Saan ang punta natin?" tanong ni Devon kay Sam. "It's a surprise," ang sagot sa kanya ng binata. Nakatulog si Devon sa byahe. Nang nakarating sila sa kanilang pinuntahan, napansin nyang nasa may bandang Batangas na sila. "Nasaan tayo?" tanong ni Devon. "Nasa Batangas tayo. Private resort ito ng tita ko so walang aabala sa atin dito," sabi ni Sam. Pagbaba nya ng sasakyan, nakita nyang naghanda si Sam ng picnic by the beach para sa kanila. "Wow, Sam. Ang ganda!!" sabi ni Devon at niyakap nya si Sam. Ang laki ng ngiti sa labi ng binata. Masaya sya na masaya si Devon. "Come on, lunch time na. Let's eat," sabi ni Sam. Simple pero masasarap na pagkain ang nasa blanket. "Ako ang nagluto ng lahat na yan," sabi ni Sam, proudly. Habang kumakain ay nagkukulitan at nagtatawan and dalawa. Pagkatapos nilang kumain ay naglaro ang dalawa sa dalampasigan. "Sayang, di ako nagdala ng pamalit para nakapag-swimming tayo," sabi ni Devon na naghihinayang. "Di bale, may susunod pa naman," sabi ni Sam. Tuwang-tuwa si Devon. Ibig bang sabihin nito ay mauulit uli ang date nila? "Well, umuwi na tayo. Magdidilim na eh," sabi ni Sam. Niligpit nila ang mga bagay na ginamit nila at sumakay na sila sa sasakyan.

Samantala, sa Maynila ay may binatang nag-aalala na parang paranoid. Narinig nya na dumating na ang sasakyan ni Sam ng bandang alas-sais. Nakahinga na rin sya ng maluwag. Lihim syang sumilip sa bintana.

"Good night Devon, sweet dreams," sabi ni Sam smiling sweetly kay Devon. "Good night Sam, thank you ha. Sweet dreams din," sabi ni Devon at hinalikan nito ang pisngi ng binata. Pagkatapos ay pumasok na ito ng gate.

Nakita ni James ang lahat. Gusto man nitong magalit ay alam nyang wala syang karapatan. Wala rin syang balak na sirain ang pangako sa sarili. Kaya kumuha ito ng beer sa kanyang secret place at naglasing na lang sa kwarto nya, pilit na binubura ang nakita nya gamit ang alcohol.

Si Sam naman, kahit nakauwi na at nakahiga sa kama ay di malimutan ang nangyari kanina. Lalo na yung 'goodnight kiss' sa kanya ni Devon.

Si Devon din ay di makalimutan ang mga nangyari. Para syang nasa langit sa sobrang ligaya.

Dalwanag tao ang maligaya habang ang isa ay nagdurusa.......

2011年3月18日金曜日

Chapter 6

Saturday came. Halos di makatulog si Devon sa kakaisip kay Sam. Pag-gising nya, naligo sya agad-agad. Meron pa naman syang 3 oras bago ang date nila ni Sam, pero gusto nyang maging magandang maganda kaya talagang gumising sya ng maaga. Di talaga sya makapili ng isusuot. Di naman kasi sya tulad ng ibang babae na mahilig mag-skirt eh. Palagi syang naka jeans at graphic shirt. Wala syang kahit isang skirt o girly na blouse. "KYRAAA!!" tawag nya sa kapatid. "Ano ate? May sunog ba!?" sabi ng kapatid nyang halatang natataranta. "Walang sunog. May problema lang ako," sabi ni Devon na di malaman kung matatawa sya dahil sa itsura ng kapatid nya na halatang bagong gising o maiiyak dahil di nya alam kung anong susuotin. "Naku naman, akala ko kung ano. Sandali, maghihilamos lang at magto-toothbrush muna ako," sabi ni Kyra na medyo inis dahil nasa gitna sya ng magandang panaginip. Naghintay si Devon ng mga 10 minuto tapos bumalik na si Kyra. "Ate, ano ba yung problema mo?" sabi ni Kyra na naupo sa kama ni Devon. "May date kasi kami ni Sam ngayon...." sabi ni Devon. "WHAT!? May date kayo ni Sam?" singit ni Kyra. "Oo. Eh wala akong masuot. Kaya hihingi sana ako ng advice," sabi ni Devon. Si Kyra kasi ay mahilig sa fashion. Palagi nyang tinitipid ang baon nyang pera na para sa pamasahe at pagkain para lang makabili ng damit. At nag-part time job din sya na baby sitter at ang kinikita nyang kalahati ay binibigay nya sa ina nila at ang kalahati any ibinibili nya ng damit nya. "Yun lang ba. Hmm.... kailangan mong magmukhang maganda pero hindi masyadong trying hard......" sabi ni Kyra na tila nag-iisip. "Gamitin mo yung dark skinny jeans mo tapos pahihiramin kita ng purple and black blouse ko. Tapos.... ballet flats na black. Pareho naman tayo ng shoe size kaya pahihiramin kita. Wait, wala ka bang putok sa paa?" sabi ni Kyra na nagbibiro. Binato tuloy sya ni Devon ng unan. "Sige ka, di kita pahihiramin...." sabi ni Kyra na ngingiti-ngiti. Ngayon lang kasi nya nakita na nagwo-worry ang ate nya tungkol sa damit. "Sorry na. Dali, para makapag-bihis na ako!" sabi ni Devon. Kinuha na ni Kyra ang mga damit at iba pang gamit na pampaganda para kay Devon. Pinagbihis muna nya ang ate Devon nya. Tapos pinaupo nya si Devon sa upuan. "Ime-make over kita. At bago ka umangal, di kita masyadong lalagyan ng make-up. Light lang. Para lumitaw ang ganda mo," sabi ni Kyra. At sinimulan nyang ayusan si Devon.

Kinulot nya ng konti ang buhok ni Devon. Tapos nilagyan nya ito ng light blush-on. Di na kailangan ni Devon ng cocealer o foundation dahil makinis naman ang balat nya. At dahil hindi masyadong mahilig sa make-up si devon, di na sya nilagyan ng mascara at eye shadow ni Kyra. Nilagyan lang sya ng lipstick at gloss. Tapos nilagyan din sya ni Kyra ng perfume. "Yan. Ready ka na ate. You have 10 minutes pa," sabi ni Kyra. "Thank you Kyra," sabi ni Devon at niyakap nya ng mahigpit ang kapatid. "Hey, you owe me one," sabi ni Kyra.

Bumaba si Devon para uminom ng tubig. Pero narinig nya ang boses ni James at ng dalawang kaibigan nito. Nag-isip sya kung papasok sya sa kusina o hindi. Pero naglakas loob sya na pumasok........

Chapter 5

Devon came home around eight. Sam took her home. Since her house, or the Castillo's house, is two blocks away from his house. "Devon, I had a great time," sabi ni Sam, looking straight into Devon's eyes. "Me too. Thanks ha," sabi ni Devon, smiling. "Good night," sabi ni Sam, opening his arms for a hug."Good night," whispered Devon, while hugging Sam. Sam started to walk, but he turned around one more time. He waved at Devon before walking away again. Devon entered the house smiling huge. But her smile faded, when she saw James sitting on the sofa, his eyes burning with anger. She decided to ignore him. But he stood up and grabbed her arm. "James bitawan mo ako! Nasasaktan na ako ha!" galit na bulong ni Devon. Ayaw nyang magising ang nanay nya at si Kyra na maagang natutulog. "Do you know what time is it? It's eight o'clock! What if something bad happens to you on your way home huh?" galit na sabi ni James. "Hinatid ako ni Sam. At wala naman pong nangyaring masama sa akin, SIR James," sabi ni Devon, emphasizing the word sir. "Sam? Eh what if he does something bad to you. Like rape you or something?" James said, looking a bit hurt and angry. "Si Sam mabuting tao. Hindi sya gagawa ng ganon," pagtatangol naman ni Devon. "Stop seeing that guy. Stop talking to him," utos ni James. "Ayoko. Kaibigan ko yung tao," sabi ni Devon. "If you don't stop talking to him, I'll.....I'll.......," nauutal na sabi ni James. "You'll what?" galit na tanong di Devon. "I'll kiss you," James said, looking dead serious. "Kahit anong sabihin mo, kakausapin at kakaibiganin ko pa rin si Sam," matapang na sabi ni Devon, pero sa totoo lang kinakabahan sya. "Well, you left me with no choice," sabi ni James. He kissed Devon. At first, it was a plain kiss, but after a few seconds, he started Frenching Devon. Devon was surprised. Hindi nya inaasahan na ganoon ka-galing humalik ni James. Nakarinig sila ng tunog ng mga paa sa itaas kaya biglang lumayo si James. Natauhan naman si Devon at sinampal nya si James. Tumakbo sya papuntang kwarto nya at ni-lock ang pinto.

"Ano yun? First and second kiss ko kay James. At ang bilis ng tibok ng puso ko. Diba si Sam na ang gusto ko? Pero bakit parang ang saya-saya ko kanina? James, bakit pa kasi kailangan mong bumalik?" isip ni Devon

"Wow. My first and second kiss is Devon. I admit that I dated a few girls back in Australia, but I never kissed any of them. I know it's weird. Devon might hate me more now. But that kiss felt so right...." isip ni James.

Today is friday. Last day ng school this week. Sinubukan ni James kausapin si Devon ng araw na yun, pero palagi na lang syang iniiwasan ng babae.

Pagdating nya sa school, nakita nya si Devon at Sam na magkausap. "Dude, stop staring," sabi ni Ivan. "I can't help it," sabi ni James. "Is it possible that you, James Castillo, the official playboy of Australia is in love with Devon?" sabi ni Bret, a bit jokingly. "Yeah....." sambit ni James sa maliit na boses. Di na rin nagulat ang dalawang kaibigan nya. Nung nasa Australia sila, walang ibang bukang-bibig si James kundi Devon. Pero nakikita nila ngayon na nasasaktan ang kaibigan nila. At wala silang magawa.

Samantala sina Sam at Devon ay masayang nag-uusap. "Devon, are you free tommorow?" tanong ni Sam. "Oo. Bakit?" sabi naman ni Devon. "Uhm, I want to ask you for a date. The normal date. Kung papayag ka. Kung ayaw mo naman, pwede ring friendly date," sabi ni Sam na namumula. "Sure. And okay lang sa akin na normal date," sabi ni Devon na nakangiti. "YES!!!" sigaw ni Sam. Nagtinginan ang mga studyante kay Sam. "Sorry," sabi nya na nahiyang bigla. Tawa naman ng tawa si Devon.

"As long as you're happy Devon, I won't interfere. That's my promise to myself," sabi ni James sa sarili nya.

Chapter 4

James transferred to Devon's school. It's been 3 days since the school year started kaya okay lang. Devon went to school early, just to avoid him. He went to school alone. He saw Ivan and Bret waiting for him at the school gate. "Hey dude. How did it go?" Bret asked. Alam ng dalawa ang tungkol kay Devon. "She still hates me," he replied. "Tara na, we'll be late," Ivan said. Even the two were raised in Australia, they can still speak Tagalog a little. They went inside their homeroom. He saw Devon, sitting on a chair near the window. Ivan caught him staring at Devon. "Dude, is she Devon?" Ivan asked. Bret heared their conversation and looked at the girl that James is staring at. "Yeah. That's Devon," said James. James was about to approach Devon, when he saw a guy approached her. He saw her face light up instantly. He can't look away. He saw her laughed and hitting the guys arms. They're comfortable with each other. "Dude......" sabi ni Bret. James' fists curled in anger.  "Class, please sit down," sabi ni Mrs. Cruz.

Music class. James found out na magka-partner si Devon at yung lalaking nakita nyang kausap ni Devon kanina. Nalaman din nya na ang pangalan ng lalaki ay Sam Perez. Star player ng basketball team at most popular guy sa campus. He just gritted his teeth. "We have a project and it's an important part of your grades. Kailangan nyong kumanta at mag-play ng instruments at ang kantang kakantahin nyo ay dapat sariling composition. Dapat talaga ay girls and boys ang pair dito. Pero since transferee kayo at wala nang natitirang girls ay papayagan kong mag-pair ang dalawa sa inyo at ang isa ay magso-solo. Mr. Jones and Mr. Smith, kayo ay magka-pair and you Mr. Castillo, will do the solo. Goodluck," sabi ni Mrs Cruz. Unlucky for him, ang upuan nya ay nasa likod ni Sam kaya kitang-kita nya ang kulitan nina Devon at Sam.

"Ang kulit nating dalawa, di na tuloy natin matapos-tapos tong project," sabi ni Devon habang pinipigilan ang tawa. "Oo nga. You're really fun to be with Devon," sabi ni Sam, na tumitingin sa mga mata nya. "Ikaw din Sam." Ang di lang alam ng dalawa, may matang nag-aapoy ang tingin sa kanila.

Natapos na rin ang klase para sa buong araw. Uwian na. Umuwi na si James sa bahay nya para simulaan nang isulat ang kanta nya para sa music project nila. "Good afternoon po Nanay," bati nya kay Mrs Reyes. Nakasanayan na nya kasing tawagin noon ng nanay ang ina ni Devon. Ang sarili nya kasing mommy, palaging wala dahil sa business. "O, anak, andito ka na pala. Ano bang gusto mong kainin ngayong gabi?" tanong ni Mrs Reyes. "Sinigang na baboy po," nakangiting sabi ni James. "Oo nga pala, paborito mo nga pala ang sinigang. Alam mo ba na specialty ni Devon ang sinigang? Mas masarap yun magluto ng sinigang kaysa sa akin. Kaya lang wala yun ngayon dito eh," sabi ni Mrs Reyes. "Nasaan po si Devon?" tanong ni James. "Ahhh...gagawa daw ng project sa bahay ng kaklase nya. Music project daw," sabi ni Mrs Reyes at pagkatapos non ay nagtungo ng kusina. "Music project? Kasama na naman nya yung Perez na yun," galit na isip ni James. Biglang bumaba ng hagdan si Kyra. "Sir James?" tanong ni Kyra. "Kyra?" tanong naman ni James. "Ako nga po sir. Kailan po kayo dumating?" sabi ni Kyra. "Yesterday night. Stop calling me sir. Kuya James na lang," sabi ni James, na ngumingiti. Naalala nya tuloy nung mga bata pa sila ni Devon. "Eh, magagalit po si Nanay," sabi ni Kyra na tila kinakabahan dahil ayaw mapagalitan ng anak ng amo nila at ayaw din mapagalitan ng nanay nya. "Nanay won't be angry. I promise. Pareho talaga kayo ni Devon," sabi ni James. "Bakit po?" nagtatakang tanong ni Kyra. "Cause that's exactly what she told me when I asked her to stop calling me sir," sabi ni James. "O, Kyra, tapos mo na ba ang assignments mo?" tanong ni Mrs Reyes na kalalabas lang ng kusina sa anak. "Opo. Nay, si ate?" tanong ni Kyra. "Ah, wala. Nasa bahay daw ng mga Perez. May project daw kasi silang gagawin ni Sam," sagot ni Mrs Reyes. "Talaga? Sila ni Sam? Eh crush kaya yon ni ate. Malamang kinikilig na yun," sabi ni Kyra na ngingisi-ngisi. "Ikaw talaga. Wag mo nang pakialaman ang ate mo, malaki na yun," sabi ng nanay nya. Bumalik sa kusina si Mrs Reyes para ipagpatuloy ang paglu-luto. "Devon has a crush on Sam?" naguusi-sang tanong ni James. "Oo. Last year pa kuya. Ngayon na nga lang nagka-crush uli yun," sambit ni Kyra na binabatukan ang sarili nya sa loob ng utak nya. Di pala nya dapat yun sinabi. Papatayin sya ng ate Devon nya. "Sige, kuya James, tulungan ko muna si nanay," sabi ni Kyra. Sa isip-isip nya, "Naku, baka magtanong pa si Kuya James, dumulas ang dila ko."

Chapter 3

"Sir James?" gulat na tanong ni Mrs Reyes. "Hello po," sabi ni James. "Bakit andito ka? Diba dapat nasa Australia ka?" sabi ni Mrs Reyes, halatang gulat pa rin. "Pinabalik po ako nila Papa dito kahapon," sabi ni James. "Naku, di ko pa nalilinis ang kwarto mo. Sandali lang ha," sabi ni Mrs Reyes na nagmamadali. Binigyan nya muna ng juice si James bago sinimulang linisin ang kwarto nito. Nakita nya na maganda ang pag-aalaga sa mansyon nila. Wala pa ring nagbabago. Bigla syang may narinig na boses. "Nay, andito na po ako," narinig nya ang magandang boses. "Nay? Nay?" Nakita nya ang taong may may-ari ng boses. Meron syang mahabang buhok, nagniningning na mga mata at ang ngiting di nya makakalimutan. "Devon?" he said. Nanlaki ang mata ng babae. "James?" sabi ng babae, halata sa boses nya ang bigla. "Devon!" sabi ni James at biglang niyakap si Devon. Nakatayo lang si Devon, hindi gumagalaw. "How are you?" James asked. "How are you?! Tatanongin mo ako nyan after seven years na di ka man lang tumawag o sumulat man lang?" galit na sabi ni Devon. "Devon, let me explain....." James begs. But Devon went to her room and locked herself.

James is laying down on his bed. He feels angry and confused. Angry on his parents. Angry on himself. Confused cause he's being the old James again. "Maybe because of Devon. She's the reason why the old James is back" he thought. And then he fell asleep.

"Devon?" sabi ni James. "I hate you. I never want to be friends with you. I hate you......" Devon shouted at him. He woke up from his bad dream. "What if Devon never forgives me?" He didn't fell asleep again that night, thinking about Devon.

Chapter 2

"Uyyy...Devz, si Sam oh......," sabi ni Fretzie. "Haayyy...ang gwapo nya talaga noh, Fretz," sabi ni Devon . Sam Perez, ang heartthrob ng campus. Star player ng basketball team at siya rin ang most popular guy sa campus. "Tara, next na ang class ni Ms. Cruz, terror pa naman yun, buti na lang same tayo ng class this year," sabi ni Fretzie.

"Okay class, ia-assign ko na ang magiging partners nyo this year," sabi ni Ms Cruz. "Sanchez at Alvarez....." at nagsabi pa ng iba pang names si Ms Cruz. "Reyes at Perez," sabi ni Ms Cruz. Nagtagpo ang mga mata ng dalawa. At sabay silang ngumiti sa isa't isa. Magkatabi ang upuan nilang dalawa. "Hi. I'm Sam Perez," sabi ni Sam. "Devon Reyes," sabi ni Devon at nakipag-kamay kay Sam. "Uhm, so about sa song project natin....." sabi ni Devon. "Marunong akong mag- guitar at mag piano," sabi ni Sam. "Ako din. Magaling ka bang kumanta?" sabi ni Devon. "Di ko alam. Depende siguro sa nakikinig kasi sila ang magdedecide," sabi ni Sam. "Parinig naman ng boses mo," sabi ni Devon. "Okay," sabi ni Sam. Nanghiram sya ng gitara at nagsimulang kumanta.

Even if the sun refused to shine
Even if we lived in different time
Even if the ocean left the sea
There would still be you and me

"Wow," Devon is speechless. "Ang galing mo naman," sabi ni Devon. "Ikaw naman," sabi ni Sam, handing her the guitar.

If you could see that I'm the one who understands you
Been here all along, so why can't you see?
You belong with me, you belong with me
"Ikaw din naman, ang galing mo eh," sabi ni Sam. "Thanks," sabi ni Devon, blushing. "Are you free today? So we can decide what song we'll use for the project," tanong ni Sam. "Sure. I'll meet you sa school gate mamaya?" sabi ni Devon. "Sure. See you later Devon." The school bell rang. They said good bye to each other.

Little did she know, there's a surprise waiting for her at home.

Chapter 1

Sixteen na ngayon si Devon. Nag-aaral sya sa isang exclusive school si Devon kasama ang kapatid nya. Senior HS na sya. Ang kapatid naman nyang si Kyra ay Junior HS. Sya ay matalino, maganda at mabait pa rin. Pinag-papaaral pa rin sila ng mga Castillo, at hindi nila sinasayang ang pagtititiwala ng mga ito. Pareho silang top students ng kanilang year. Marami rin namang manliligaw ang dalawa. Sa bahay pa rin ng mga Castillo sila nakatira. Sila ang parang naging caretaker ng bahay na yun. Pitong taon na rin ang lumipas.

"Ate, may party daw sa bahay nina Fretzie, punta tayo," sabi ni Kyra. "Paalam muna tayo kay nanay."

Samantala sa Australia.......
"Come on! Let's party!" sigaw ni James. Si James ay kabaliktaran ng James na sweet noon. Nag-rebelde sya. Di na nag-aaral ng mabuti, at palaging nagpa-party. Di na rin sya nakikinig sa kanyang magulang. Ang tanging taong pinapakinggan nya ay ang kaniyang matalik na kaibigan na sina Bret and Ivan. Half- Filipino rin sina Bret and Ivan. "Dude, let's go. I'm tired already. And you're already wasted!" ani ni Ivan. "I'm not wasted dude!" James said. "Fine. We'll leave you here," Bret said to James. "Fine, let's go."

When he got home, he saw his parents waiting for him. He just acted as if they weren't there. "James, come and sit here," his faher said. He had no other choice but to sit down. "James, we're worried about you," said his dad. "You don't need to worry about me. I'm fine," he replied. His father acted as if he didn't heard him. "We'll send you back to the Philippines," his dad said. "What!? You asked me to go here seven years ago, then you're asking to go back there now?? I have a life here. I have friends here," James said, furious. "We already asked Bret and Ivan's parents about this, and they agreed to let Bret and Ivan come with you. You have no choice," his father said. He marched into his room.

He lay down on his bed, still furious. "Devon hates me, I don't want to go back there," he thought. Sometimes, he dreams of her crying face. That's why he rebelled against his parents. He thinks that it's all their fault. He can never forgive them until Devon forgives him. "I'll use this chance. Devon, I hope you'll forgive me........"

Prologue

“Anak, tulungan mo muna akong magluto,” ani ni Mrs. Garcia. Sumunod naman ang anak nyang si Devon sa kaniyang utos. Pitong taon gulang pa lamang si Devon. May isa syang kapatid, si Kyra. Si Kyra ay anim na taong gulang. Dalawang taon ang nakakalipas, namatay ang ama nya sa isang aksidente sa kalye. Ang ama nya ay tsuper ng jeep dati. Ang nanay naman nya ay isang katulong sa bahay ng mga Castillo. Magmula nang nawala ang ama niya, ang ina na lang niya ang nagtatagaguyod sa kanila. Nakikitira naman sila sa bahay ng mga Castillo. “Anak, paki-hugasan nga itong mga patatas” ani ng nanay nya, na sinunod nya.

 “Uy, Devon, mag-laro naman tayo,” yaya sa kaniya ng nag-iisang anak ng mga Castillo, si James. “ Sir hindi pwede, kailangan ko pang mag-aral,” sabi ni Devon. “Ayan ka nanaman sa kaka-sir mo. I told you to call me James,” sabi ni James na tila naiinis. “Sir, di pwede sabi ni nanay,” sabi ni Devon. “Pag di ka tumigil, I’ll kiss you,” James said. He did not know what the true meaning of kiss is. Para sa kanya, nakikita lang nya yon sa TV or sa parents nya. “Di talaga pwede sir,” ani ni Devon. Kaya, inilapat ni James ang labi nya sa labi ni Devon. Nabigla si Devon sa ginawa ni James. Nagtitigan lang sila. “Sige na nga, James na ang itatawag ko sa’yo. Pero pag napagalitan ako ng nanay, ikaw ang may kasalanan ha,” ani ni Devon. Simula noon, palagi nang magkasama at magkalaro ang dalawa.

 Siyam na taon na ngayon si Devon. Pinag-aaral sya ngayon ng mga Castillo. Silang tatlong magkakapatid aypinag-aaral ng libre ng mga Castillo, dahil naaawa ang mga ito sa kanila. “Uy, Devon, laro tayo,” yaya ni James sa kanya. “Di pwede, mag-aaral pa ako,” sambit ni Devon. “Tara na……..” sabi ni James na nagpapa-cute pa kay Devon. At sa huli, napapayag niya ito.

 Makalipas ang isang linggo, nabalitaan ng mga magulang ni James ang tungkol sa sakit ng ina ng ama ni James. Kinakailangan nilang puntahan at alagaan ito. “James, we need to go to Australia as soon as possible,” ani ng ina ni James na si Sophia. “I don’t want to go! I want to stay here,” sambit ni James. “But we have to take care of your grandma,” sabi ng ama nya. “No!! I’m staying here, with Auntie Linda and Devon!! They will take good care of me, please,” sabi ni James na tila maluluha na. “No, it will be a bother to them” sabi ng ina nya. Sa huli, nakumbinsi din ng mga magulang ni James na sumama sa kanila. Animoy lantang gulay si James. Palagi syang malungkot nang nalaman nya ang balita.

 Araw ng alis nila James lang nalaman ni Devon ang balita dahil ayaw ipasabi ni James sa kanya. Ayaw nyang nakikitang nalulungkot si Devon. "Bakit di mo sinabi, aalis ka pala ngayon! Sinungaling ka!" Sabi ni Devon kay James. "Ayaw ko na sa'yo," sabi ni Devon. Nagkulong sa isang kwarto si Devon. Umiiyak lang sya. Ni hindi na nya hinatid si James. Galit sya ng mga panahong iyon. "Paalam na James......."