このブログを検索

2011年5月1日日曜日

Chapter 18

Sina Devon, Jenny, Fretzie, Sam at Lauren ay nagpunta ng Batangas para i-finalize ang mga bagay tungkol sa kasal nina Sam at Lauren. Sinamahan din sila ni Enrique. In the past four months naging malapit sina Devon at Enrique. Alam ni Fretzie na may gusto si Enrique kay Devon. Pero kaibigan lang ang turing ni Devon sa binata. Kung titingnan ng mga di nakakakilala sa kanila, iisipin mong may namamagitan sa kanila. Sweet kasi sila sa isa't isa.

"Finally, andito na rin tayo," sabi ni Fretzie. "I miss this place. Ang tagal ko rin di nakapunta dito," sabi ni Lauren. Tahimik lang si Devon. May mga alaala din kasi sa resort na ito na gusto nang ibaon sa limot ni Devon. Minsan may mga panahon na umaasa sya. Pero alam din nya na umaasa lang sya sa wala. "Hey, it's my first time in Batangas. Ang ganda pala dito," sabi ni Enrique. "Tara na," sabi ni Sam. Pagpasok nila ay dumitretso na sina Sam, Lauren, Enrique at Fretzie sa waiting area pero nagpa-iwan si Devon sa may beach. "Gusto mo ba ng kasama?" tanong agad ni Enrique. "Gusto ko munang mapag-isa," sabi ni Devon. "Ah, okay," sabi ni Enrique, biglang lumungkot. At pumasok na ang apat. Naglakad-lakad si Devon. Naa-alala pa nya nung mga panahon na nag-date sila ni James dito. Nakipag-laro sila sa pawikan at nag-island hopping pa sila. Hinarana rin sya ni James. Bigla nyang naramdaman na may tumitingin sa kanya. Paglingon nya, nakita nya si James! "James......" bulong ni Devon sa hangin. Nakita nya na may babae na kumakausap kay James. Hinalikan ng babae ang pisngi ni James at pagkatapos ay pumunta na ito sa dagat at lumangoy. Parang sinasksak at sinagasaan ang puso nya. Naglakad si James papunta sa kanya. "Anong gagawin ko?" isip ni Devon. Masyado syang kinakabahan. Ang lakas ng tibok ng dibdib nya. "Devon...." sabi ni James. "Hi James. Ang tagal na...." sabi ni Devon sa mahinang boses. "Yeah. How have you been?" tanong ni James. "Okay lang. May sarili na akong business with Lauren, Fretzie, Kyra and Jenny. Ikaw?" sabi ni Devon. "I'm okay. I finished my studies. I'm here for vacation," sabi ni James with a smile. "Devon didn't change. She's still the same old Devon," isip ni James. "Ah, andito naman ako kasi nag-aayos ng mga kung ano-ano para sa kasal," sabi ni Devon. "WHAT!? She's getting married?" isip ni James. Iniisip nya na malamang may boyfriend na si Devon. Magand ito, mabait, malambing, masayahin, wala nang hahanapin pa. Pero di nya inaasahan na ikakasal na pala ito. "Ah I see," sabi ni James. "James? " sabi ng isang babae. Nakita ni Devon na si Ann pala ito. May konting galit pa rin si Devon na natitira para kay Ann, pero itinago nya ito. "Ann..." sabi ni Devon. "Devon? Wow. Ang tagal na nating hindi nagkikita. How are you?" sabi ni Ann. Medyo kinakabahan si Ann dahil alam nyang nagbalik na ang alaala ni James. "I'm okay. Ikaw?" sabi ni Devon. "I'm good. I'm with James now," sabi ni Ann putting emphasis sa last sentence. "Really? Conrats," sabi ni Devon. "Devon!" narinig ni Devon ang boses ni Enrique. "Quen, I'm here," sabi ni Devon. Lumapit si Enrique sa kanila. "Alam mo ba kung gaano mo ako pinag-alala? Di kita nakita mula sa window ng resort kaya kinabahan ako," sabi ni Enrique, halatang nag-alala. "Sorry," sabi ni Devon, nagui-guilty. "Ah, Quen, this is James and Ann. This is Quen," pagpapa-kilala ni Devon. "Maybe this is her husband-to-be. Lucky man," isip ni James. Nag exchange ng hellos ang tatlo. "Well, Devon we need to go back. Hinahanap na nila tayo doon," sabi ni Enrique. "Mauuna na ako. It was nice to see you two again," sabi ni Devon. At nagpaalam na sila sa isa't isa.

Pagdating ni Devon sa loob kinausap nya si Fretzie at Lauren. "I saw him. He's here," sabi ni Devon. "Sino?" tanong ni Fretzie, confusion written all over her face. "Si James...." sabi ni Devon. "Huh? Diba nasa Australia sya?" sabi ni Lauren. "He's here for vacation," sabi ni Devon. "Wag mong sasabihin sa kuya mo ang tungkol dyan. Papatayin nun si James," sabi ni Lauren. "Teka, nagbalik na ba yung memories nya?" tanong ni Fretzie. "Naklimutan kong tanungin.." sabi ni Devon, nanghihinayang. "Pero sila na ni Ann," sabi ni Devon, at nagbago ang facial expression nya. "Ann? My old friend Ann?" tanong ni Lauren. "Oo. Sinabi mismo ni Ann at nakita ko sila...." sabi ni Devon. Niyakap lang sya nina Fretzie at Lauren. And enough na yun para malaman ni Devon kung gaano sya kamahal ng mga kaibigan.

2 件のコメント:

  1. awwwwww,.,.,. buti at andyan yung mga friends nya

    返信削除
  2. ahhh!!!next chapter na pls!!ang ikli nang chapter na to super bitin!!

    返信削除