Week after she saw James at the beach, she decided na she better keep it as a secret. Sina Lauren, Fretzie, Jenny at Kyra lang ang nakakaalam. Habang papalapit ang kasal ay mas lalong naging busy sina Devon. Kailangan maging perfect ang kasal ng kuya nya at ng isa sa mga best friend nya. Habang papalapit ang wedding ay nagiging busy na ang lahat. Naghanda ang mga girls ng bridal shower para kay Lauren 1 month before the wedding. Sinabihan naman ni Devon na wag maghahanda ng bachelor party para kay Sam. Pag sinuway nila si Devon, alam nilang magagalit ito. Imbitado lahat ng mga kaibigan ni Lauren, maski si Ann.
Lahat ng inimbita nila ay nakarating. Nasorpresa si Lauren sa kanyang bridal shower. Lalo na nung nakita nya si Ann. Nagkaroon sila ng chance magkausap ng silang dalawa lang sa balcony. "You're getting married," sabi ni Ann. "Yeah. I guess destiny brought us together," sabi ni Lauren. "Lucky you," sabi ni Ann with a sigh. "Ikaw, you're with someone, right?" tanong ni Lauren. "I'm with James. Siguro naman narinig mo from Devon," sabi ni Ann. "Yeah. I know you liked James before pero di ko akala na ganon pala kalalim yung pagtingin mo sa kanya," Lauren said with an accusing tone. "Ako ba ang sinisisi mo sa pagkakasira ng relationship nina James at Devon?" sabi ni Ann na halatang nasaktan. "I didn't said anything like that," pagdedepensa ni Lauren. "Wala ka ngang sinabi. Pero sa tono ng pananalita mo, alam ko na ang ibig sabihin mo," sabi ni Ann, umiiyak. "I thought you're my friend. Tapos iju-judge mo ako? Yes, I stole James from Devon. But nagmahal lang ako. And it wasn't my fault he drunk so much alcohol that night," sabi ni Ann. "You knew better than to kiss somebody who already had a girlfriend. And yes, you're my friend. I care for you that's why I'm saying this. What James and Devon had is real. I don't want you to get hurt," sabi ni Lauren at bumalik na sya sa loob.
Sa mga nakatingin, di aakalain na may nabubuong tensyon sa pagitan nina Ann, Lauren at Devon. Makikita mo silang nagtatawanan at nagkwekwentuhan. Pero ang mga kaibigan ng tatlo ay nararamdaman nila ito. "Kawawa naman si Lauren, nasa pagitan sya ng dalawa," sabi ni Shey, na kakarating lang, kina Fretzie at Kyra. "Oo nga," sabi ni Kyra. Pumunta sya sa kinaroroonan ng tatlo. "Ate Devon, may naghahanap sa'yo," sabi ni Kyra. "Ah, ganun ba. Excuse me muna," sabi ni Devon. Nang makapunta si Devon sa lugar na sinasabi ni Kyra na may naghihintay sa kanya, wala syang nadatnang tao dun. "Wala namang tao dito sa balcony Ky ah," sabi ni Devon sa kapatid. "Wala nga. Inembento ko lang yun. Kasi naman, di ko ma-take yung mga kaplastikan nyo dun, sis," sabi ni Kyra. "Napansin mo pala," sabi ni Devon. "Sus, sino ba naman ang di makakapansin? Ang obvious nyo kaya," sabi ni Kyra. Natawa na lang si Devon. "Mahal mo pa rin sya no, ate," sabi ni Kyra with seriousness in her voice. "Kapatid naman kita kaya di na ako maglilihim sayo. Oo, mahal ko pa rin sya. Pero nakalimutan na nga nya ako diba?" sabi ni Devon. Pag pinag-uusapan si James, palaging nagbabago ang mukha ni Devon. Nakita ni Kyra ang pinagdaanan ng ate nya. "Kung para kayo talaga sa isa't isa, kahit anong mangyari, kayo pa rin sa huli," sabi ni Kyra. "Aba, nagka-boyfriend lang ganyan na magsalita ha," sabi ni Devon tapos tawa. "Ikaw talaga. Minsan na nga lang ako maging seryoso ate eh," sabi ni Kyra na nakangiti. "Oh, kamusta naman kayo ni Yong?" tanong ni Devon. "Okay naman," matipid na sagot ni Kyra. "Sus. Bahala ka nga kung ayaw mong mag-share," sabi ni Devon. They missed moments like this. Naging reserved din kasi si Devon sa lahat ng tao sa paligid nya. Nagyon na lang sila nakapag-usap ng medyo matagal.
A week before the wedding narinig ni Devon na nagtatalo sina Lauren at Sam sa kwarto ni Sam. "It's my wedding too!" narinig nyang sigaw ni Lauren. "Don't you care about Devon at all?" sigaw ni Sam. "I care about her too. But Ann is my friend for a very long tome now. I want her to be there on my special day," sabi ni Lauren. "I will allow Ann to be there kasi kaibigan mo sya. Pero hindi yung bastardo na yun. Masasaktan lang si Devon. Kapatid ko yun," sabi ni Sam. Alam na ni Devon ang dahilan ng kanilang pag-aaway. "Gusto ni Ann isama si James. Di daw sya a-attend without James," sabi ni Lauren. "Gusto ba talagang saktan ni Ann si Dev-" sabi ni Sam na naputol sa pagpasok ni Devon. "Kuya, okay lang. I'm over it. Kami na ni Enrique," sabi ni Devon, crossing her fingers behind her back. "Ha? Kailan pa naging kayo?" tanong ni Sam na nabigla. "Kahapon lang kuya. So okay sa akin kahit dumalo sya. Wala na akong pakialam," sabi ni Devon at pagkatapos ay lumabas na sya ng kwarto. Pumunta sya sa garden at dun tinawagan si Enrique. "Hi Quen. Pwede ba kitang makausap ngayon na?" tanong ni Devon. "Okay lang. Punta ako sa bahay nyo ngayon," sabi ni Enrique from the other line. "Okay," sabi ni Devon at umiwi na sya sa bahay.
5 minutes after makarating sya sa bahay nila ay dumating na si Enrique. "Hey. Upo ka," sabi ni Devon. Huminga ng malalim si Devon. "Bakit parang kinakabahan ka?" tanong ni Enrique. "I have a huge favor to ask," sabi ni Devon. "Ano naman yun? Basta kaya kong gawin, sige ba," sabi ni Enrique. "Nakakahiya eh. Can you pretend to be my boyfriend?" sabi ni Devon na pulang-pula ang mukha. "Ha? Bakit naman?" sabi ni Enrique. Ikwinento ni Devon ang tungkol kay James. "So ano, payag ka ba?" sabi ni Devon. "Okay lang sa akin. Wala naman akong girlfriend na masasaktan. And besides, that's what friends are for," sabi ni Enrique na nakangiti. Hindi napigilan ni Lauren na yakapin si Enrique. "Thanks Quen," nakangiting sabi ni dalaga.
And now another drama begins.........
hala excited na ako sa nxt chaptie,.,.
返信削除