このブログを検索

2011年5月4日水曜日

Epilogue

After 3 months of courting, Devon and James got back together.

They never rushed things. Pero halatang in-love sila. Sina Yong at Kyra ay naghiwalay. Buti na lang andun si Ivan para saluhin si Kyra. Nagkaroon sila ng double wedding after 2 years ng relationship nina Devon at James.

*Flashback...*
Nagbakasyon ang magkakaibigan sa Batangas. Nung pangalawang gabi nila doon, dinala ni James at Ivan sina Devon at Kyra sa lugar kung saan unang nag-date sina James at Devon. "Di pa naman natin anniversary ha?" sabi ni Devon kay James. "Sa atin din naman...." sabi ni Kyra kay Ivan. Ngumiti lang ang dalawa. Naghanda sila ng candelit dinner na sila mismo ang naghanda at nagluto. At hinarana pa nila ang dalawa. Nasisiyahan at naco-confuse ang dalawa. Pagkatapos ng kanilang harana ay lumuhod si James sa harap ni Devon at si Ivan naman sa harap ni Kyra.

Naunang magsalita si Ivan. "I just want to keep this proposal simple. So Kyra, will you marry me?" tanong ni Ivan. At hawak nya ang isang princess cut diamond ring.


"YES!!!" sabi ni Kyra. Niyakap nya si Ivan at naluluha sya sa sobrang kasiyahan.

Sumunod namang nagsalita si James. "Devon, I have loved you for a long time now. I want to spend the rest of my life with you. I loved you yesterday and today, and I am going to love you forever. So, will you marry me?" tanong ni James. At hawak nya ang isang oval cut ring.

"Yes, I want to spend forever with you James," sabi ni Devon. And then they shared a passionate kiss.

James and Devon have two children. Their eldest son is named Daniel David or DD. And DD's younger sister is named Madison Mae or MM.

Now, James and Devon are sitting on a chair in their garden. "I love you," James said to Devon. "As much as I love you," Devon replied. They sat there, holding each other's hands and watching their grandchildren play.

The End.

-------------------------------------------------------------------
Author's note:

Thank you so much. Thank you sa lahat ng nagbasa, nag-like at nag-comment (both sa facebook and dito sa blog). I enjoy reading your comments.

Nagsusulat din po ako ng one-shots. Lahat po yun Jaevon. Ito po ang link:
http://jaevon-one-shot.blogspot.com/

May 5 one-shots po ako na naka-post. Sana po basahin nyo :)

Ito naman po ang link sa aking new fanfic, Stupid Cupid po ang title:
http://jaevon-17.blogspot.com/

Jaevon din po ito. Kung may time po kayo sana po basahin nyo.

Thank you po ulit sa inyong lahat.

-Aya-

Chapter 22 (The End!?)

Tumigil ang kanta at naupo na si Devon. Medyo masakit na rin kasi ang paa nya kakasayaw. Pumunta sya sa kabilang bahagi ng beach, inalis ang kanyang heels at naupo sya sa buhanginan. "Tama bang magsinungaling ako sa sarili ko?" isip ni Devon. Marami na syang napagdaanan sakit. Kailangan pa ba nyang pagsakitan ang sarili nya? Di na napigilan ni Devon ang lumuha. Naramdaman nya na may tumabi sa kanya. Di na nya nilingon ito sa pag-aakalang si Quen ito. "Devon, I think we need to talk," ani ng boses na kilala na nya. Walang iba kundi si James. Pinahid ni Devon ang luha nya. Ayaw nyang makita sya ni James na ganito, mahina. "Ako rin," ang tanging nasabi ni Devon. "I... I want to say sorry," sabi ni James. Tiningnan nya ang mukha ni Devon. "Sorry saan? Di mo naman kasalanan yung amnesia mo," sabi ni Devon. "But it's my fault. I got myself drunk..." sabi ni James pero di na nya natapos ang sasabihin dahil pinutol sya ni Devon. "Wag na natin ungkatin pa ang nakaraan. Tapos na yun." Inalala ni Devon ang lahat. "I want you to know that.... I still love you. I loved before and I still do," James said, sincerity can be seen in his eyes. "Nagbalik na ang alaala mo?" Devon said, eyes wide in surprise. "Yes. I was scared to come back here. I was.... afraid," James said. "I understand," Devon said. "Devon, will you please give me another chance?" James said. Tiningnan nya ang mga mata ni Devon. Si Devon din ay tumingin sa mga mata ni James. "Ang kinang pa rin ng mata nya. Ang lalim pa rin. Parang nalulunod ako sa mata nya," isip ni Devon. "Kayo na ni Ann diba?" tanong ni Devon, may kalungkutan sa boses nya. "I broke up with Ann. She understood. She knows that I love you, that's why I couldn't love her," James said. "Uh,  you're with Enrique right," James said, and he looked down at his feet. "We were just pretending...." Devon whispered. "Pardon?" James said. He heard what Devon said, he was just unsure. "Me and Quen, we we're just pretending. Para lubayan na ako ng iba. Nai-insecure ako pag nakikita ko na pinagtitinginan ako ng barkada tuwing lalabas sa usapan ang pangalan mo or ni Ann. Kaya I asked for Quen's help," Devon said. "Really!?" James said. He hugged her. "Devon, I'm so glad. Even though we're not together. Yet. But I will make it up to you," James whispered to Devon. He realesed Devon. Tiningnan ni James si Devon sa mga mata. "I want to court you Devon. I will not rush anything. But please, give me another chance," James said. "Yes. This is the final chance. Di ko na kaya pang masaktan," Devon said. James smiled.

2011年5月1日日曜日

Chapter 21

Nasalo ni James ang garter na halatang ikinainis ni Sam. Di rin mawala sa mukha nina Ann at Enrique ang inis kay James. Wala silang nagawa kundi sundin ang tradisyon. Kailangan isuot ni James ang garter sa binti ni Devon. "Kaya mo yan," sabi ni Enrique kay Devon. Umupo si Devon at isinuot ni James ang gartner sa binti ni Devon. Kahit na naisuot na ang garter, di maalis ang electricity sa mga parte na nagdikit ang mga balat nila. Nagtama ang mga mata nila. Sina Devon and James ay nalunod sa mata ng isa't isa. Di nila maalis ang tingin sa isa't isa. Hanggang sa biglang tinapik ni Ann ang balikat ni James at naputol ang eye contact ng dalawa. Tumayo si Devon at lumapit kay Quen. "Hey, Von, let's dance," yaya ni Quen kay Devon. Malungkot na tiningnan na lang ni James si Devon at Quen.

Nag-sulk lang sa isang table si James. Kahit anong yaya sa kanya ni Ann na sumayaw, panay tanggi lang nito. Kaya naghanap na lang ito ng ibang kasayaw. May biglang tumabi kay James. Si Fretzie ito. "Alam mo, naiinis talaga ako sa'yo. After all na nagawa mo kay Devon," Fretzie said. "Then why are you talking to me?" James asked. "Kasi naman, ang torpe mo. I mean, I can see that you like her. Why not break-up with Ann and get back together with Devon?" Fretzie said. "I....I can't.  I just... can't," James said. "Bakit naman? You love her, right?" Fretzie said frowning. "Yes, I do. But.. I'm afraid she'd get hurt if she's with me. And I can't hurt Ann," James replied, looking down. "Alam mo, mas lalo mo lang sasaktan si Ann kung paaasahin mo sya. And mas sasaktan mo si Devon kung di mo aaminin ang totoo. When you left, Devon was devastated. We couldn't talk to her properly for months! Di sya matino. Ang tagal nya bago maka-recover. Ganun ka nya kamahal," Fretzie explained. "But... Devon and Quen are together now," James said. "Basta. Listen to what I'm saying. If you love her, go for it. I'll see you soon James," Fretzie said, then she left. "Thanks Fretz," James whispered to the air. She went to Ann whose dancing with some guy he didn't know. "Ann, can I talk to you," James asked Ann. Ann excused herself to the guy she's dancing with. "We should go somewhere more....private," James said. Ann agreed. "Ann, I have something to tell you. I think we should break-up," James said. He was afraid that Ann might cry. "I understand," Ann said calmly. "I already saw it coming. With you and Devon seeing each other and all, I'm not surprised. Hope you have a good life James," Ann said. She gave James a final hug, and left. James smiled. He's glad that Ann's fine. Now, to get Devon back.

Chapter 20

Today's the big day for Lauren and Sam. It's a big day for Devon and Enrique as well. Sina Kyra at Fretzie lang ang nakakaalam ng katotohanan tungkol sa fake relationship ng dalawa. Devon is wearing a light green gown na hanggang tuhod. Light lang ang make-up nya. And ang buhok nya ay naka-curl lang ng konti. All-in-all, a true and natural Filipina beauty. Nung nakita sya ni Enrique ay di nito napigilan na matulala. "You look beautiful," sabi ni Enrique. Nag-blush naman ng konti si Devon. "Thanks," bulong nito. Enrique held her hand dahil nga nagpapanggap silang may relasyon. Nasa may beach na sila. Dun nakita ni Lauren sina James at Ann. Dahil isa si Ann sa mga bridesmaid, nakasuot din ito ng green na gown. Mas maganda nga lang ang gown ni Devon dahil sya ang bridesmaid. Napatingin si Enrique sa direction na tinititigan ni Devon. Dahil sa description ni Fretzie ay hinulaan nya na ito si James. Enrique squeezed Devon's hand as a sign of support. "I'll be right here," bulong ni Enrique. Ngiti lang ang iginanti ni Devon.

Nakita ni James sina Devon at Enrique. Nakita rin nya na binulungan ni Enrique si Devon at ngumiti naman si Devon kay Enrique. "I guess he said that he loves her," James thought bitterly. Di nya namalayan na napadiin na pala ang hawak nya sa kamay ni Ann. "Ouch!" Ann yelped. "Sorry," James murmured. Hinatak ni Ann si James sa direction nina Devon. Ann plastered an obviously fake smile. "Hi Devon!" bati nya kay Devon. Devon also plastered a fake smile. Pero hindi naman ito halatang fake. "Hi Ann. Hi James," sabi ni Devon, her voice became little when she mentioned James' name. "Hi Devon," James murmured. There was an awkward silence. "I'm Enrique by the way. Devon's boyfriend," pagpapakilala ni Enrique. "Sorry. Ito nga pala si Quen, boyfriend ko. Quen, this is Ann and this is James. Mga highschool classmates ko sila," sabi ni Devon. "Ouch. Classmates only. I didn't even reached the 'friends' status," isip ni James bitterly. "Hi. Nice to meet you," sabi ni Ann. Wala naman imik si James. "Babe, maybe we should look for my brother, siguradong tense na yun," sabi ni Devon at ngumiti sa direksyon ni Enrique. At pumayag naman ang huli. Inexcuse nila ang sarili nila at hinanap si Sam. Nasasaktan si James pero tanggap na nya na may sarili na silang buhay ni Devon. Alam nya na huli na ang lahat.

Natapos na ang wedding at patapos na rin ang reception. Nakakaiyak ang mensahe ng mga magulang ng mga bagong kasal. Pati na rin ang message nina Devon at Kyra. Glowing na glowing ang mga bagong kasal. Gwapo si Sam sa kanyang white tuxedo at si Lauren ang no doubt na pinakamagandang babae sa mundo ng panahon na yun. Kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mukha.

Masaya si James para sa mga dating kaibigan. Pero hindi nga lang halata. Naksimangot sya dahil tuwing titingin siya sa lugar nina Devon, nakikita nya na naglalambingan sina Devon at Enrique. Hindi nya maitago ang sakit. Si Devon naman ay panay palihim na sulyap kina James. At sa tuwing titingin sya kay James ay nakikita nyang nilalambing nito si Ann. At nasasaktan sya. Kaya lang magaling syang magtago. Parang pinaglalaruan sila ng tadhana. Ayaw pang pagtagpuin ang mga mata nila. Napagdesisyunan ng bagong kasal na sa tapos ng reception ihahagis ang bouquet at garter. The girls lined up to catch Lauren's bouquet. Si Devon lang ang parang walang gana. Pero diretso na sa direksyon na napunta nya ang bouquet at wala syang nagawa kundi saluhin ito. Di nya alam kung sinadya ito ni Lauren o hindi. Nang panahon na para kunin ni Sam ang garter mula sa binti ni Lauren, nag whistle pa ang mga guys. Tapos ng hinagis ito ni Sam, nakita ni Devon na papunta ito sa direksyon ni James at Enrique na magkatabi.....

Chapter 19

Week after she saw James at the beach, she decided na she better keep it as a secret. Sina Lauren, Fretzie, Jenny at Kyra lang ang nakakaalam. Habang papalapit ang kasal ay mas lalong naging busy sina Devon. Kailangan maging perfect ang kasal ng kuya nya at ng isa sa mga best friend nya. Habang papalapit ang wedding ay nagiging busy na ang lahat. Naghanda ang mga girls ng bridal shower para kay Lauren 1 month before the wedding. Sinabihan naman ni Devon na wag maghahanda ng bachelor party para kay Sam. Pag sinuway nila si Devon, alam nilang magagalit ito. Imbitado lahat ng mga kaibigan ni Lauren, maski si Ann.

Lahat ng inimbita nila ay nakarating. Nasorpresa si Lauren sa kanyang bridal shower. Lalo na nung nakita nya si Ann. Nagkaroon sila ng chance magkausap ng silang dalawa lang sa balcony. "You're getting married," sabi ni Ann. "Yeah. I guess destiny brought us together," sabi ni Lauren. "Lucky you," sabi ni Ann with a sigh. "Ikaw, you're with someone, right?" tanong ni Lauren. "I'm with James. Siguro naman narinig mo from Devon," sabi ni Ann. "Yeah. I know you liked James before pero di ko akala na ganon pala kalalim yung pagtingin mo sa kanya," Lauren said with an accusing tone. "Ako ba ang sinisisi mo sa pagkakasira ng relationship nina James at Devon?" sabi ni Ann na halatang nasaktan. "I didn't said anything like that," pagdedepensa ni Lauren. "Wala ka ngang sinabi. Pero sa tono ng pananalita mo, alam ko na ang ibig sabihin mo," sabi ni Ann, umiiyak. "I thought you're my friend. Tapos iju-judge mo ako? Yes, I stole James from Devon. But nagmahal lang ako. And it wasn't my fault he drunk so much alcohol that night," sabi ni Ann. "You knew better than to kiss somebody who already had a girlfriend. And yes, you're my friend. I care for you that's why I'm saying this. What James and Devon had is real. I don't want you to get hurt," sabi ni Lauren at bumalik na sya sa loob.

Sa mga nakatingin, di aakalain na may nabubuong tensyon sa pagitan nina Ann, Lauren at Devon. Makikita mo silang nagtatawanan at nagkwekwentuhan. Pero ang mga kaibigan ng tatlo ay nararamdaman nila ito. "Kawawa naman si Lauren, nasa pagitan sya ng dalawa," sabi ni Shey, na kakarating lang, kina Fretzie at Kyra. "Oo nga," sabi ni Kyra. Pumunta sya sa kinaroroonan ng tatlo. "Ate Devon, may naghahanap sa'yo," sabi ni Kyra. "Ah, ganun ba. Excuse me muna," sabi ni Devon. Nang makapunta si Devon sa lugar na sinasabi ni Kyra na may naghihintay sa kanya, wala syang nadatnang tao dun. "Wala namang tao dito sa balcony Ky ah," sabi ni Devon sa kapatid. "Wala nga. Inembento ko lang yun. Kasi naman, di ko ma-take yung mga kaplastikan nyo dun, sis," sabi ni Kyra. "Napansin mo pala," sabi ni Devon. "Sus, sino ba naman ang di makakapansin? Ang obvious nyo kaya," sabi ni Kyra. Natawa na lang si Devon. "Mahal mo pa rin sya no, ate," sabi ni Kyra with seriousness in her voice. "Kapatid naman kita kaya di na ako maglilihim sayo. Oo, mahal ko pa rin sya. Pero nakalimutan na nga nya ako diba?" sabi ni Devon. Pag pinag-uusapan si James, palaging nagbabago ang mukha ni Devon. Nakita ni Kyra ang pinagdaanan ng ate nya. "Kung para kayo talaga sa isa't isa, kahit anong mangyari, kayo pa rin sa huli," sabi ni Kyra. "Aba, nagka-boyfriend lang ganyan na magsalita ha," sabi ni Devon tapos tawa. "Ikaw talaga. Minsan na nga lang ako maging seryoso ate eh," sabi ni Kyra na nakangiti. "Oh, kamusta naman kayo ni Yong?" tanong ni Devon. "Okay naman," matipid na sagot ni Kyra. "Sus. Bahala ka nga kung ayaw mong mag-share," sabi ni Devon. They missed moments like this. Naging reserved din kasi si Devon sa lahat ng tao sa paligid nya. Nagyon na lang sila nakapag-usap ng medyo matagal.

A week before the wedding narinig ni Devon na nagtatalo sina Lauren at Sam sa kwarto ni Sam. "It's my wedding too!" narinig nyang sigaw ni Lauren. "Don't you care about Devon at all?" sigaw ni Sam. "I care about her too. But Ann is my friend for a very long tome now. I want her to be there on my special day," sabi ni Lauren. "I will allow Ann to be there kasi kaibigan mo sya. Pero hindi yung bastardo na yun. Masasaktan lang si Devon. Kapatid ko yun," sabi ni Sam. Alam na ni Devon ang dahilan ng kanilang pag-aaway. "Gusto ni Ann isama si James. Di daw sya a-attend without James," sabi ni Lauren. "Gusto ba talagang saktan ni Ann si Dev-" sabi ni Sam na naputol sa pagpasok ni Devon. "Kuya, okay lang. I'm over it. Kami na ni Enrique," sabi ni Devon, crossing her fingers behind her back. "Ha? Kailan pa naging kayo?" tanong ni Sam na nabigla. "Kahapon lang kuya. So okay sa akin kahit dumalo sya. Wala na akong pakialam," sabi ni Devon at pagkatapos ay lumabas na sya ng kwarto. Pumunta sya sa garden at dun tinawagan si Enrique. "Hi Quen. Pwede ba kitang makausap ngayon na?" tanong ni Devon. "Okay lang. Punta ako sa bahay nyo ngayon," sabi ni Enrique from the other line. "Okay," sabi ni Devon at umiwi na sya sa bahay.

5 minutes after makarating sya sa bahay nila ay dumating na si Enrique. "Hey. Upo ka," sabi ni Devon. Huminga ng malalim si Devon. "Bakit parang kinakabahan ka?" tanong ni Enrique. "I have a huge favor to ask," sabi ni Devon. "Ano naman yun? Basta kaya kong gawin, sige ba," sabi ni Enrique. "Nakakahiya eh. Can you pretend to be my boyfriend?" sabi ni Devon na pulang-pula ang mukha. "Ha? Bakit naman?" sabi ni Enrique. Ikwinento ni Devon ang tungkol kay James. "So ano, payag ka ba?" sabi ni Devon. "Okay lang sa akin. Wala naman akong girlfriend na masasaktan. And besides, that's what friends are for," sabi ni Enrique na nakangiti. Hindi napigilan ni Lauren na yakapin si Enrique. "Thanks Quen," nakangiting sabi ni dalaga.

And now another drama begins.........

Chapter 18

Sina Devon, Jenny, Fretzie, Sam at Lauren ay nagpunta ng Batangas para i-finalize ang mga bagay tungkol sa kasal nina Sam at Lauren. Sinamahan din sila ni Enrique. In the past four months naging malapit sina Devon at Enrique. Alam ni Fretzie na may gusto si Enrique kay Devon. Pero kaibigan lang ang turing ni Devon sa binata. Kung titingnan ng mga di nakakakilala sa kanila, iisipin mong may namamagitan sa kanila. Sweet kasi sila sa isa't isa.

"Finally, andito na rin tayo," sabi ni Fretzie. "I miss this place. Ang tagal ko rin di nakapunta dito," sabi ni Lauren. Tahimik lang si Devon. May mga alaala din kasi sa resort na ito na gusto nang ibaon sa limot ni Devon. Minsan may mga panahon na umaasa sya. Pero alam din nya na umaasa lang sya sa wala. "Hey, it's my first time in Batangas. Ang ganda pala dito," sabi ni Enrique. "Tara na," sabi ni Sam. Pagpasok nila ay dumitretso na sina Sam, Lauren, Enrique at Fretzie sa waiting area pero nagpa-iwan si Devon sa may beach. "Gusto mo ba ng kasama?" tanong agad ni Enrique. "Gusto ko munang mapag-isa," sabi ni Devon. "Ah, okay," sabi ni Enrique, biglang lumungkot. At pumasok na ang apat. Naglakad-lakad si Devon. Naa-alala pa nya nung mga panahon na nag-date sila ni James dito. Nakipag-laro sila sa pawikan at nag-island hopping pa sila. Hinarana rin sya ni James. Bigla nyang naramdaman na may tumitingin sa kanya. Paglingon nya, nakita nya si James! "James......" bulong ni Devon sa hangin. Nakita nya na may babae na kumakausap kay James. Hinalikan ng babae ang pisngi ni James at pagkatapos ay pumunta na ito sa dagat at lumangoy. Parang sinasksak at sinagasaan ang puso nya. Naglakad si James papunta sa kanya. "Anong gagawin ko?" isip ni Devon. Masyado syang kinakabahan. Ang lakas ng tibok ng dibdib nya. "Devon...." sabi ni James. "Hi James. Ang tagal na...." sabi ni Devon sa mahinang boses. "Yeah. How have you been?" tanong ni James. "Okay lang. May sarili na akong business with Lauren, Fretzie, Kyra and Jenny. Ikaw?" sabi ni Devon. "I'm okay. I finished my studies. I'm here for vacation," sabi ni James with a smile. "Devon didn't change. She's still the same old Devon," isip ni James. "Ah, andito naman ako kasi nag-aayos ng mga kung ano-ano para sa kasal," sabi ni Devon. "WHAT!? She's getting married?" isip ni James. Iniisip nya na malamang may boyfriend na si Devon. Magand ito, mabait, malambing, masayahin, wala nang hahanapin pa. Pero di nya inaasahan na ikakasal na pala ito. "Ah I see," sabi ni James. "James? " sabi ng isang babae. Nakita ni Devon na si Ann pala ito. May konting galit pa rin si Devon na natitira para kay Ann, pero itinago nya ito. "Ann..." sabi ni Devon. "Devon? Wow. Ang tagal na nating hindi nagkikita. How are you?" sabi ni Ann. Medyo kinakabahan si Ann dahil alam nyang nagbalik na ang alaala ni James. "I'm okay. Ikaw?" sabi ni Devon. "I'm good. I'm with James now," sabi ni Ann putting emphasis sa last sentence. "Really? Conrats," sabi ni Devon. "Devon!" narinig ni Devon ang boses ni Enrique. "Quen, I'm here," sabi ni Devon. Lumapit si Enrique sa kanila. "Alam mo ba kung gaano mo ako pinag-alala? Di kita nakita mula sa window ng resort kaya kinabahan ako," sabi ni Enrique, halatang nag-alala. "Sorry," sabi ni Devon, nagui-guilty. "Ah, Quen, this is James and Ann. This is Quen," pagpapa-kilala ni Devon. "Maybe this is her husband-to-be. Lucky man," isip ni James. Nag exchange ng hellos ang tatlo. "Well, Devon we need to go back. Hinahanap na nila tayo doon," sabi ni Enrique. "Mauuna na ako. It was nice to see you two again," sabi ni Devon. At nagpaalam na sila sa isa't isa.

Pagdating ni Devon sa loob kinausap nya si Fretzie at Lauren. "I saw him. He's here," sabi ni Devon. "Sino?" tanong ni Fretzie, confusion written all over her face. "Si James...." sabi ni Devon. "Huh? Diba nasa Australia sya?" sabi ni Lauren. "He's here for vacation," sabi ni Devon. "Wag mong sasabihin sa kuya mo ang tungkol dyan. Papatayin nun si James," sabi ni Lauren. "Teka, nagbalik na ba yung memories nya?" tanong ni Fretzie. "Naklimutan kong tanungin.." sabi ni Devon, nanghihinayang. "Pero sila na ni Ann," sabi ni Devon, at nagbago ang facial expression nya. "Ann? My old friend Ann?" tanong ni Lauren. "Oo. Sinabi mismo ni Ann at nakita ko sila...." sabi ni Devon. Niyakap lang sya nina Fretzie at Lauren. And enough na yun para malaman ni Devon kung gaano sya kamahal ng mga kaibigan.